AP Flashcards
Ano ang Ekonomiya
kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon, pamayanan, at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, pagpapalitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo
Saan galing ang salitang ekonomiya
sa griyegong salitang “OIKONOMOS” na nangangahulugang tagapamahala ng sambahayan
Ano ang unang prinsipyo ng pagpapasiyang pangkabuhayan
Lahat na bagay ay may kapalit (Trade-off)
Ano ang pangalawang prinsipyo ng pagpapasyang pangkabuhayan
ang pagpapasiya ay bunga ng pagtitimbang ng kapakinabangan at kabayaran o kapalit (opportunity cost)
Ano ang pangatlong prinsipyo ng pagpapasiyang pangkabuhayan
Ang pagpapasiya ay nagbabago batay sa dagdag na kapakinabangan o dagdag ng kapalit (Marginalism)
Ano ang pangapat na prinsipyo ng pagpapasiyang pangkabuhayan
Ang pagpapasiya ay ayon sa makukuhang insentibo (common sense)
Ano ang dalawang sangay ng ekonomiks
Microekonomics at Macroeconomiks
Sino si Adam Smith
Siya ay ang ama ng makabagong ekonomiks. Pilosopong galing sa Scotland na unang tinawag bilang political economist. Nakilala rin ang kaniyang mga akdang The Theory of Moral Sentiments (1759) at ang The Wealth of Nations (1776).
Sino si John Maynard Keynes
Siya ang tinaguriang “Ama ng Macroeconomics”; ekonomistang British na nagsaliksik upang maipaliwanag ang sanhi at solusyon sa depresyong pang-ekonomikal na naranasan ng mundo noong 1930. Ang kaniyang mga pag-aaral ang naglatag sa pundasyon ng pagsilang ng tinatawag na Keynesian Economics.
Sino si David Ricardo
Isa siyang ekonomistang British na nanguna sa pag-aaral ng kahalagahan ng lupa bilang salik ng produksiyon kasama ng isa pang ekonomista na si James Mill. Ang kaniyang pinakamahalagang kontribusyon sa ekonomiks ay ang tinatawag na theory of comparative advantage
Sino si Milton Friedman
Isa siyang Amerikanong ekonomista at estadistiko na pinarangalan ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1976.
Sino si Karl Marx
Siya ay isang pilosopo at sosyolohistang Aleman na may mahalagang kontribusyon din sa ekonomiks dahil sa kaniyang pagpapahalaga sa uring manggagawa. Ang kaniyang akdang Das Kapital ay nagsasaad ng kaniyang hindi pagkagusto sa kapitalismo at pagkiling sa paglawak ng simulaing komunismo.
Sino si David Hume
Tulad ni Smith, isa rin siyang pilosopo at ekonomistang Scottish. Tinutukan niya ang kahalagahan ng panlabas na pakikipagkalakalan na maaaring maging tulay sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang kaniyang teoryang Hume’s fork ay ginagamit sa pag-aaral ng ethics o etika.
Sino si Irving Fisher
Isa siyang Amerikanong ekonomista na nakilala sa mga konseptong tinawag na Fisher equation at Fisher separation theorem. Ang kaniyang quantity theory of money ang naging batayan ng konsepto ng monetarismo ni Friedman.
Sino si Thomas Robert Malthus
Siya ay isang demograpo at political economist na naging kontrobersiyal dahil sa kaniyang mga nabuong pagpapalagay tungkol sa pagsusuri ng epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon. Ang pag-aaral na ito ay nakilala bilang Malthusian growth model.
Sino si Ludwig Von Mises
Isa siyang ekonomistang Austrian na nakilala sa konseptong tinawag niyang praxeology. Ilan sa kaniyang mga akda ay ang The Theory of Money and Credit, Socialism: An Economic and Sociological Analysis, Human Action, at The Theory and History. Ang kaniyang mga teorya sa business cycles ang naging pundasyon na pinaunlad ni Friedrich Hayek na kaniyang mag-aaral.
Ano ang praxeology
teoryang patungkol sa mga dahilan sa pagkilos ng tao batay sa pagpapalagay na siya ay may layunin o hangarin sa bawat gagawin niyang aksiyon
Sino si Friedrich Hayek
Siya ay ekonomistang Austrian na umayon sa liberalism ng klasikal at kapitalismong nakasanlig sa malayang pamilihan. Tumanggap siya ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1974 kasama ng isa pang ekonomistang galing sa Sweden na si Gunnar Myrdal.
Sino si Jean-Baptiste Say
Isa siyang ekonomistang Pranses na nakilala sa teorya na Say’s law na nagsasaad na ang supply ang lumilikha ng demand, taliwas sa ibang teorya na demand muna bago supply. Ang kaniyang akda na pinamagatang Treatise on Political Economy ay nagtataglay ng kaniyang suporta sa kompetisyon at malayang pamilihan.
Sino si Joan Robinson
Isa siyang babaeng ekonomistang British na sumusog sa neo-klasikal na pananaw at naging tagasuporta rin ng post-Keynesian economics. Ang kaniyang kontribusyon sa agham ay tinawag na Cambridge growth theory at Amoroso-Robinson relation.
Sino si James Tobin
Isa siyang Amerikanong miyembro ng Keynesian School of Thought. Nakilala siya sa kaniyang Tobit model.
Sino si Amartya Sen
Nagmula siya sa bansang India at nakilala sa kaniyang human development theory na kombinasyon ng mga konseptong ecological economics, sustainable development, welfare economics, at feminist economics. Pinarangalan siya ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1998 at napabilang sa 100 most influential persons ng Time Magazine noong 2010.
Sino si Paul Krugman
Siya ay Amerikanong ekonomista na nakilala sa kaniyang pagtutok sa international economics. Ilan sa kaniyang mga naging pag-aaral ay tungkol sa international trade theory, new trade theory, at new economic geography na naging batayan sa tinanggap niyang Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 2008. Bilang kolumnista ng The New York Times, patuloy pa rin siya sa paglilimbag ng mga artikulo na tumatalakay sa ekonomiya lalo na sa United States.
Ano ang Kakapusan?
Kakulangan na walang solusyon, at natural, dahil ito ay limitasyon ng pinagkukunang yaman
Ano ang Kakulangan?
Kakulangan na may solusyon, temporary, at artipisyal dahil limitasyon ito ng biniling produkto sa pamilihan
Ano ang PPF
Produksiyon Possibility Frontier, na nagpapakita ng mga posibleng trade-off sa pagitan ng dalawang produkto
Ano ang Pitong Salik ng Pangangailangan at Kagustuhan
Salik ng Pampersonal,
Salik ng Panlipunan,
Salik ng Pansikolohiya,
Salik ng Pang-ekonomiya,
Salik ng kalagayang Pang-ekonomiya,
Sallik Bunsod ng Pagpapahalagang Pangkapaligiran,
Salik Pampolitika
Sino ang gumawa ng Herarkiya ng pangangailangan
Abraham Maslow
Ano ang mga Teoryang Pangangailangan
Herarkiya ng Pangangailangan,
Teoryang ERG,
Three Need Theory
Sino ang gumawa ng Teoryang ERG
Clayton Alderfer
Sino ang gumawa ng Three Need Theory
Douglas McClelland
Ano ang ERG sa teoryang ERG
Existence,
Relatedness,
Growth
Ano ang talong pangangailangan sa 3 need theory
Need for Achievement,
Need for Affiliation,
Need for Power
Ano ang limang pangangailangan sa herarkiya ng pangangailangan (bottom to top)
Pisyolohikal,
Pangkaligtasan,
Makiisa at Makabilang,
Mapahalagahan ng Iba,
Kaganapang Pantao
Ano ang sinabi ni Adam smith tungkol sa pagkonsumo
na ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng produkto at derbisyo ay dahil rito
Ilan at ano ang mga uri ng pagkonsumo
- Tuwiran o direkto (immediate happiness)
- Produktibo (Ang paggamit ay tumutulong na makakuha ng kasiyahan)
- Maaksaya (wasted)
- Mapanganib o Mapaminsala (Masama para sa kalusugan pero nakakasaya AKA sigarilyo, etc)
- Lantad (Di naman kailangan, binibili para magyabang)
Ano ang Induced Consumption
Ito ay kapag tumaas ang pera mo, tataas din ang gastusin mo, at ang porsiyentong gastos sa luxury ay tataas habang ang porsiyento gastos sa kailangan ay bababa
Autonomous Consumption
Konsumption ng tao kapag walang income o pera (tulad ng paglilimos ng pera)
Conspicuous Consumption
Pagkonsumo dahil gusto mong magyabang
Artificial Consumption
Pagkonsumo bunga sa mga advertisement
Ano ang limang batas ng pagkonsumo
Law of Variety,
Law of Harmony,
Law of Imitation,
Law of Economic order,
Law of Diminishing Marginal Utility
Ano ang Law of Variety
Sasaya kapag Mas maraming binily
Ano ang Law of Harmony
Sasaya kapag may harmony ang binili, tulad ng kapag bumili ng cellphone at airpods
Ano ang Law of Imitation
Sasaya kapag kinopya nila ang bilihin sa iba tulad ng kapag parehas ang inorder mo sa jolibee (o diba ICT reference)
Ano ang Law of Economic Order
Mauuna ang kaiilangan sa gustuhan
Ano ang Law of Diminishing Marginal Utility
Bababa ang saya kapag ulit ulit binili ang isang produkto
Ano ang Tatlong antas ng Produksiyon
Primary,
Intermediate,
Final
Ano ang mga Uri ng Empleyo
Employed,
Underemployed,
Unemployed
Ano ang Apat na salik ng produksiyon
Kapital,
Lupa,
Manggagawa,
Entrepreneur
Ano ang dalawang uri ng Kapital
Fixed Capital at Circulating Capital
Formula para sa TR
P*Q
Formula para sa AR
TR/Q
Formula para sa MR o MC
ΔTR/ΔQ o ΔTC/ΔQ
Fraction ba dapat o decimal?
decimal
Ano ang alokasyon
Ang siyentipikong distribusyon ng pinagkukunang yaman
Ano ang sinasagot ng alokasyon?
Ano ang gagawin,
Paano ito gagawin,
Gaano karami ang gagawin,
Para kanino ang gagawin,
Paano ito ipamamahagi,
Ano ang limang sistemang pang-ekonomiya batay sa Ideolohiya
Merkantilismo
Komunismo
Sosyalismo
Kapitalismo
Fascismo
Ano ang Merkantilismo
God, Gold, and Glory,
Export over Import,
Domestic Employment
Ano ang Komunismo
Ang bibliya ng Komunismo ay Das Kapital ni Karl Marx,
Russia + China
Vladrimir Ilich Lenin, Mao Zedong
Ano ang Pasismo
Dictatorship na walang Export at walang karapatan ang mga tao
Ano ang Sosyalismo
Komunismo na may konting Kapitalismo
Ano ang Kapitalismo
Benta din, hindi lang bili,
Pribadong pagmamay-ari,
ang pagbubuti ng produkto ay dahil sa kompetisyon ng mga entrepreneur
Ano ang apat na tipo ng sistemang ekonomiya batay sa kasalukuyang katawagan
Tradisyunal na Ekonomiya,
Market Economy,
Command Economy,
Mixed Economy
Ano ang “ceteris paribus”
salitang Latin na kahulugang “with other things being equal”
Ano ang Tradisyunal na ekonomiya?
Francois Quesnay, Physiocrats,
Simple lang din ang produkto,
Piyudalismo, Sistemang Encomienda
Ano ang Market Economy
Free Market,
Ang presyo ay pili ng mga mamimili at prodyuser
Ano ang Mixed Economy
Combinasyon ng Market at Command Economy (Ang mga pangunahing industriya ay nasa ilalim ng estado at ang iba ay sa mga pribadong may-ari)
Ano ang Command Economy
Pwede icompare sa pasismo,
ang buong ekonomiya ay nasa control ng pamahalaan
Ano ang dalawang batas ng demand
Substitution effect,
Income Effect/Purchasing Power
Ano ang substitution effect
kapag tumaas ang presyo, hahanap ang mga tao ng kapalit
Ano ang Income effect/purchasing Power
Kapag mataas ang presyo, bababa ang purchasing power ng mga tao
Paano ang Demand Curve
Gumagawa siya ng triangle
Ano ang equation para sa elastisidad ng demand
%ΔQ/%ΔP
Paano mo malalaman kung elastik o di elastik
∞ AKA divide by 0 = Perfectly Elastic
<1 = Elastic
1 = Unitary
>1 = Inlastic
0 = Perfectly inelastic
Ano ang elastic
may maraming kapalit
Ano ang mangyayari kapag gumalaw ang supply curve
kapag kumaliwa bababa at kumanan tataas
Ano ang mangyayari sa kakulangan at kalabisan
sa kakulangan tataas ang presyo hanggang sa ceiling price
Sa kalabisan bababa ang presyo hanggang sa floor price
saan ang surplus, shortage, at ang customer at prodyuser surplus
ang surplus ay nasa taas, ang shortage ay nasa baba, ang C. surplus ay nasa taas ng kaliwa, ang ang P. surplus ay nasa baba ng kaliwa
Ano ang nasa Price Act / RA 7581
Price coordinating council, at price control
ano ang RA 7607
Magna Carta of Small Farmers
Ano ang ginagawa ng RA 7607
Price Support,
Impraestuktura,
Representasyon,
Pagbuo ng Kooperasyon
Ano ang SRP
Suggested Retail Price, na dapat sundin
Ano ang Oligopolyo at Differentialted Oligopolyo
Ang oligopolyo ay may konti lamang na prodyuser na pareparehas lamang ang produkto, at ang differentiated oligopolyo ay may konting pagkakaiba
Ano ang sabwatan o collusion
team up vs konsyumer
Ano ang dalawang tipo ng duopoly
Cournot (laban sa presyo)
Bertrand (laban sa presyo)
SIno ang Price setter sa monopolya
mga prodyuser
Ano ang oligopsonyo at monopsonyo
monopsonyo - iisa lamang ang bumibili
oligopsonyo - iilan lamang ang bumibili
bakit ginagamit ang expansionary at contractionary piskal policy
Expansionary - kapag nasa bust period
Contractionary - kapag nasa boom period
Ano ang Low, Creeping, at Galloping Inflation
Low - mas mababa sa 1%
Creeping - 1-3%
Galloping - 100-300%
Ano ang Hyperinflation, Replasyon, at Deplasyon
Hyperinflation - mabilis na inflation
Deplasyon - bumaba ang implasyon (masama pala)
Replasyon - Tumaas pagkatapos bumaba