AP Flashcards
Paano nakatulong sa ekonomiya ng Gitnang Panahon ang paggamit salapi sa kalakalan?
Pinadali nito ang kalakalan at nagbigay-daan sa pagkakatatag ng pagbabangko at at pagpapautang.
Ano ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya na lumitaw sa isla ng Crete sa pagitan ng 3000-2000 BCE
-MINOAN
Anong imahe ang madalas na inilalarawan ng mga fresco ng mga Minoan
Bull Dancing
Sino ang isang English arkeologo na nagsagawa ng paghuhukay noong 1899 sa knossos
Arthur Evans
Ang ghana ay tinaguriang Land of gold dahil sa taglay nitong malaking at katubigang sagana sa suplay ng ginto at matabang lupain para sa pag sasaka at katubigang sagana sa isda. Ano ang naging epekto nito sa kabihasnan
Mabilis na yumaman at umunlad ang kabihasnan,
-Lumakas ang sandatahang lakas at kalakalan ng kabihasnan.
-Dumami ang mga dayuhang nagkaroon ng interes nä sakupin ang kabihasnan
. Dahil sa malawak na disyerto tuyong lupain at limitadong lupang sakahan at katubigan, ano ang naging pinakamagandang paraan ng pamumuhay para sa mga taong naninirahan sa mga sinaunang kaharian sa Africa?
Kalakalan sa pamamagitan ng caravan
Bakit naging makapangyarihan ang kabihasnang Mali sa Africa?
-Dahil sa magaling na pamumuno nina Sundiata Keita at Mansa Musa
. Paano nakaapekto ang patuloy na pananakop ng mga lupain sa mga sinaunang kabihasnan sa Africa?
-Lumakas ang mga kabihasnan dahil
dumami ang pinangangasiwaan nilang lupain. -Humina ang mga kabihasnan dahil sa patuloy na pagkaubos ng buhay, ari-arian at pinagkukunang-yaman dala ng digmaan.
- Dahil sa pananakop sa pagitan ng mga kabihasnan dumami ang mga pangkat na naghangad na agawin ang kapangyarihan sa mga namumuno.
. Alin sa sumusunod na katangian ang pinagsasaluhan ng lahat ng mga kabihasnan sa Mesoamerica?
-Sila ay naniniwala sa ibat ibang diyos
Paano tinugunan ng mga mamamayan ng Aztec ang hamon sa kakulangan ng malawak na lupang sakahan?
-Paglikha ng mga artipisyal na pulo o “floating garden”
Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica?
-Pinadali ng mga ilog ang paglalakbay at pakikipagkalakalan para sa mga sinaunang kabihasnan ng
Mesoamerica. -Dahil sa pagkakaiba ng heograpiya sa pagitan ng mga kabihasnan nagkaroon mga alitan at pananakop
upang mapunan ang kakulangan sa pangangailangan ng bawat kabihasnan -Inayon ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica ang kanilang paraan ng pamumuhay batay sa heograpiya ng kanilang mga lugar.
.Sa mga kapuluan sa Pasipiko, nakilala ang Micronesia sa makasining na gawain. Saang disenyo mo ito makikita kung nais mong dumalo sa mga okasyon
Sa mga maskara at pigurang kanoy
Alin sa sumusunod ang pinakamabisang paraan upang ipakita mo ang husay sa sining ng mga Pulo sa Pacific?
-Bumuo ng mini museum na nagtatampok ng mga gawang sining ng mga pulong ito.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga epekto ng heograpiya sa mga kapuluan ng Pacific?
-Malawak na lupain sapat para pagtatayo ng mga gusali at lungsod
Si Clovis, nari ng mga Franks ay isa sa mga pinakamahalagang personalidad sa Panahong Medieval. Ano ang kaniyang mahalagang nagawa?
-Pinag-isa niya ang lahat ng mga kaharlang Aleman at naging unang haring Kristiyano sa kasaysayan.
-Nagpatayo siya ng mga paaralan at aklatan sa kaniyang kaharian at nagpadala ng mga iskolar upang magturo ng iba’t ibang wika.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Gitnang Panahon o Panahong Medieval?
Ito ang panahon ng transisyon mula Sinaunang Panahon patungong Modernong Panahon.
Ang lupa ay itinuturing na pinakamahalagang yaman sa Europa noong Gitnang Panahon. Bakit ibinigay ng hari ang pangangalaga sa mga lupaing ito sa mga nobles o dugong bughaw?
-Mapangasiwaan itong mabuti dulot ng sobrang lawak ng mga lupain na kaniyang pag-aari.
Sino ang mga bourgeoisie o burgis?
-Mga mayayamang mangangalakal na naging makapangyarihang uri ng pamilya sa Gitnang Panahon.
Bakit nalikha ang sistemang piyudalismo?-Mapadali ang pangangasiwa sa mga lupain ng kaharian.
- Naging makapangyarihan ang mga mangangalakal at inalok ang mga pesante ng mas magandang buhay kung magtatrabaho para sa kanila.
Paano nakatulong sa mga mamamayan ang pagpapatupad ng sistemang piyudalismo sa kabila ng hindi makatarungan nito?
-Naibigay nito ang pangangailangang seguridad at pangkabuhayan sa mga mamamayan.