A.P Flashcards
Tumutukoy sa kaloob loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng metal tulad ng iron at nickel.
Core
Tawag sa gobernador ng Egypt
Satrap
Kontinenteng nagtataglay ng pinakamaraming bansa
Africa
Ito ang sagradong ilog na pinagmulan ng sinaunang Egypt
Ilog Nile
Tanging kontinente na natatapakan ng yelo na may kapal na 2km
Antarctica
Saklaw nito ang pag-aaral ng wika,relihiyon,lahi,at pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig
Heograpiyang pantao
Tinatawag na bilang The Gift of the Nile
Egypt
Itinuturing bilang kaluluwa ng isang Kultura at nagbibigay ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat
Wika
Estruktura ng daigdig na tumutukoy sa matigas at mabatong bahagi ng planeta na umaabot ang kapal na mula 30-65 km palalim mula sa mga kontinente at sa karagatan,Ito ay may kapal na 5-7 km.
Crust
Nagmula ito sa salitang Religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito
Relihiyon
Tumatayong pinuno at hari ng Egypt na tinuturing din nilang Diyos
Pharaoh
Isa itong batayan na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat
Lahi
Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan ng mga ito
Pyramid
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa salitang Greek na maso o “pagitan” at potamos o “ilog”
Mesopotamia
Bansang ito ang pinagmulan ng mga sinaunang kaharian sa Africa
Egypt
Tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon sa halip,ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod ng mantle
Plate
Itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa daigdig hanggang sa kasalukuyan at umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho
Kabihasnang China
nagmula sa lambak ng ilog nile
Kabihasnan sa Africa
Teorya ito na ipinakilala ni Alfred Wegener na kung saan ay ipinaliwanag at pagkakahiwa hiwalay ng mga kontinente
Continental Drift Theoy
Sumibol sa Timog Asya
Kabihasnang Indus
Matatagpuan sa lambak ng Indus
Lungsod ng Harappa at Mohenjo Daro
Malalim na bahagi ng Pacific Ocean
Mariana Trench
Hango sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”
Mesoamerica
Tumutukoy sa sistema ng pagsulat ng mga sinaunang kabihasnang Egyptian
Hieroglyphics
Natutukoy 180-degree mula sa prime meridian pakanluran man o pasilangan ng matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean at nagbabago ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito pasilangan o pakanluran
International Date line
Itinuturing na kauna-unahang kabihasnan ng buong daigdig
Mesopotamia
Itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian na tinatawag ding Bagong kaharian
Empire Age
Kinikilalang Isa sa mahusay na babaing pinuno ng sinaunang Egypt
Reyna Hatshepsut
Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay nito bilang isang kontinente,may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na dito lamang matatagpuan
Australia