ANG SANAYSAY Flashcards
Naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng impormasyon
PORMAL
Mapang-aliw, nagbibigay- lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw-araw, at personal
PAMILYAR
Maingat na pinipili ang pananalita, iskolarli o pormal ang mga salita kayâ mabigat basahin
PORMAL
Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang o parang usapan lamang ng magkakaibigan
PAMILYAR
Mapitagan at gumagamit ng ikatlong panauhan o pananaw sa paglalahad
PORMAL
Ang may-akda ang tagapagsalita at ang mambabasa ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan
PAMILYAR
Maanyo kung turingan sapagkat ito’y talagang pinag-aaralan, makahulugan, matalinghaga, at matayutay
PORMAL
Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa kababakasan
PAMILYAR
Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro
PORMAL
Palakaibigan ang tono kaya pamilyar ang tono dahil ang panauhang ginagamit ay unang panauhan
PAMILYAR
Obhetibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda
PORMAL
Subhetibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw
Ang dalawang uring ito ng sanaysay
PAMILYAR