Ang Pag-aaral sa Ibang Bansa at ang Pagbabalik sa Pilipinas ni JPL Flashcards
Iniwan sa Maynila ni Jose ang kanyang oamilya at naglakbay siya patungong ____
Estados Unidos kasama ang ibang Pilipinong pensionados sa pangangasiwa ng Direktor ng Edukasyon
Pumasok siya sa ____ para sa post graduate work sa batas ngunit ____
Yale; nag-master siya sa Constitutiona Law na payo ni Justice Street
Napasok siya agad sa Yale University at ipinagkaloob sakanya ang ____
Doctor of Civil Laws, sa halip na Master sa Batas
Kailan siya nakapagtapos sa Yale?
Hulyo 19, 1920
Tatlong bwan pagkaraan ng kanyang pagtatapos, si JPL ay tinanggap sa ______ at _____
Hukuman ng Apela (Court of Appeals) at Korte Suprema ng Distrito ng Columbia, at Estados Unidos
Anong ginawa ni Jose sa Europa?
Dumalo siya sa mga espesyal na lecture sa legal at maunlad na pilosopiyang pulitikal sa University of Soronne sa Paris at Oxford Univ sa England
Pagkatapos niya mag-aral sa Yale at dumayo sa Europa, kailan dumating sa Pilipinas si JPL?
December 30, 1920
Itinalaga siya bilang _____ noong Enero 1, 1921
Punong Klerk ng Kawanihang Ehekutibo
Ano ang pananaw ni JPL ukol sa pagkuha ng diploma?
Ang diploma ay hindi katunayan ng pagiging edukado ng isang tao may bagay pa na dapat patunayan
Dahil sa ipinamalas niyang kakayahan at pagsisikap, siya’y itinalagang _____ nang sumunod na taon.
undersecretary ng Departamento ng Interyor
Pagkaraan ng 7 buwan, siya’y itinalagang ______
Sekretaryo ng Interyor ni Gobernador Heneral Leonard Wood
Siya’y itinalagang Sekretaryo ng Interyor sa rekomendasyon ng dating sekretaryo na si ____
Teodoro M. Kalaw
Sa panahon ng kanyang promosyon, si Jose ay ____
31 taong gulang
Tama o Mali: Si JPL ang pinakabatang miyembro ng gabinete sa buong kasaysayan sa pananakop ng mga Amerikano
Tama
Naglunsad si JPL ng mga programa sa _____
pagpapaunlad ng mga teritoryo at ahensyang saklaw ng kanyang kapangyarihan at pinagtuunan ang masuliraning bahagi ng pamahalaan katulad ng administration ng Pamahalaang Lokal at ang sistema ng eleksyon
Ang pinakamahalaga para kay Jose ay ang ____
pagtataguyod ng simulaing nangangalaga sa opinyong publiko upang makatulong sa pagsulong ng demokrasya sa kapuluan
Tama o Mali: Sa kanyang pulitikal na pananaw, hindi dapat bigyang bahagi ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng demokrasya
Mali
Ang kanyang panunungklan ay tumagal lamang nang _____
Limang buwan
Sino si Ray Conley?
isang patrolman sa Manila Police Department
Ano ang dalawang kasong ikinakaharap ni Conley?
Administrasyon at Kriminal
Ano ang kasong kriminal ni Conley?
Pinawalang-sala si Conley ng huwes na duminig ng kanyang kaso kaugnay ng palsipikasyon ng dokumentong publiko bagaman may pasubali ang huwes sa katapatan at integridad ng akusado
Sa kasong administratibo, nagkaisa sina ____ at ____ na isailalim si Conley sa imbestigasyon ng Dept. ng Interyor
Ramon Fernandez (Alkalde ng Maynila) at JPL
Ngunit tinutulan ito ni Wood at sa halip ay bumuo siya ng isang lupon ng mga imbestigador na binubuo ng _____, ______, ____.
Pilipinong Direktor ng Civil Service, Pilipinong Undersecretary of Justice, at isang Amerikanong Colonel sa Konstabularyo
Tama o Mali: Pinawalang-sala ng lupon si Conley sa salang pagtanggap ng suhol
Tama
Bakit nagbitiw si JPL sa tungkulin?
Para sakanya, ang pananatili ni Conley sa tungkulin ay hindi karapat-dapat.
Hindi niya kayang magpatuloy na maglingkod nang may dangal.
Ang naging bunga ng gayong tagpo ay ang pagtanggap ni Wood ng pagbibitiw sa tungkulin n Jose noong ____
Hulyo 17, 1923
Sinong sumuporta and nakiisa kay Laurel?
mga Pilipinong puno ng mga departamento at ang mga nanunungkulang opisyal ng lehislatura ay nagsipagbitiw sa Gabinete pati ng Konseho ng Estado.
Nang lumaon ay nagsumite sila ng pinagsamang resolusyon ng Kongreso sa Amerikanong Pangulo na si ____
Calvin Coolidge
Ano ang nabanggit na resolusyon?
Na alisin sa tungkulin si Wood at magtalaga ng isang Pilipinong Gobernador Heneral
Bagama’t tinanggap ni Coolidge ang pagdaramdam ng mga Pilipino ay ___
patuloy niyang binigyan ng buong suportang pulitikal at legal si Wood
Ano ang ikinamatay ni Wood?
Kanser sa utak noong Agosto 1927