Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Flashcards
Ang _____ o kilala rin bilang mundo o sangkalupaan ay ang tanging planeta sa solar system na may kakayahang magpanatili ng buhay
DAIGDIG
Ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig na may kapal na umaabot sa 30-65 km palalim,ito ay ______
CRUST
Ang isang patong ng mga batong malambot at natutunaw ang ilang bahagi ay tinatawag na ______
MANTLE
Ang _____ ay ang kaloobloobang bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
CORE
Ang Daigdig ay may apat na hating globo (hemisphere’s)
Northern, Southern, Eastern, at Western Hemisphere
Tinatawag na ______ ang distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran ng prime meridian.
LONGITUDE
Ang ______ ay itinalaga bilang zero degree longitude.
PRIME MERIDIAN
Ang ______ ay ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa Hilaga o Timog ng Ekwador.
LATITUDE
Ang _____ ay ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo ng Hilaga at Timog ba Hemispero.
Ekwador / Equator
Ang _____ ang pinakadulong bahagi sa hilagang hemispero na direktang sinisikatan ng araw.
Tropic Of Cancer
Ang ______ ang pinakadulong bahagi ng timog hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.
Tropic Of Capricorn
Ibigay lahat ng Kontinente sa Daigdig (7)
Asya, Africa, Noth and South America, Antarctica, Europe, at Australia
Ang salitang _____ ay tumutukoy sa siyentipikong pagaaral ng katangiang pisikal ng Daigdig.
Heograpiya / Geography
Tinatawag na _____ ang pisikal na katangian ng isang lugar o relihiyon.
Topograpiya
Dalawang Sangay ng heograpiya (2)
Heograpiyang Pisikal, at Pantao
Limang Tema ng Heograpiya
Lokasyong, Lugar, Rehiyon, Interaksiyon ng tao at kapaligiran, at Paggalaw
Ano-ano ang mga saklaw ng Heograpiya (6)
Anyong Lupa at tubig
Likas na yaman
Klima at panahon
Flora at Fauna
Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa Daigdig.
Lokasyon
_____ sa pamamagitan ng imahinasyong guhit tulad ng latitude at longitude line na bumubuo ng grid.
Lokasyong Absolute
_____ na ang batayan ay ang mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
Relatibong Lokasyon
Ito ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook
Lugar
Ang bahagi ng Daigdig ja pinagbuklod ng magkatulad na katangiang pisikal o kultural.
Rehiyon
Ito ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan.
Interaksiyon ng tao at kapaligiran
Ang paglipat ng tao ss kinalakihang lugar patungo sa ibang lugar.
Paggalaw
Ang paggalaw ay may tatlong uri ng distansya ang isang lugar:
Linear
Time
Phycological
Libo libong pilipino ang nangingibang bansa sa italya at pransiya upang magtrabaho. Anong tema ng heograpiya ang tumutukoy?
Paggalaw
Aling Kontinente ang HINDI kabilang sa “Ring Of Fire”?
A.Africa
B.Asia
C.South Amerika
D.North Amerika
A.Africa
Saan matatagpuan ang mga rare species sa ating Daigdig?(Kontinente)
Australia