Ang Kahon ni Pandora Flashcards
TALASALITAAN
sumama
pagsanib
TALASALITAAN
nakamata
nakatingin
TALASALITAAN
regalo
handog
TALASALITAAN
paninibugho
pagseselos
TALASALITAAN
nalaman
nabatid
Saan nagmula ang salitang “mito”?
Salitang Latin na mythos at salitang Greek na muthos na ibig sabihin ay kuwento.
Isang akdang pumapaksa sa mga diyos at diyosa at sa iba pang makapangyarihang nilalang.
mitolohiya
TAMA O MALI
Ang mitolohiya ay karaniwang umiikot sa mga kababalaghan o mga pangyayaring di-kapani-paniwala, pag-ibig, pakikipagsapalaran ngunit hindi ang pakikidigma.
Mali
Sino si Zeus?
Diyos ng Olympus, pinakamakapangyarihan, pinakamataas o supremong Diyos
Sandata ang kidlat na may kasamang kulog at simbolo niya ang AGILA, TORO, KULOG AT PUNO NG OAK.
Sino si Hera?
Asawa ni Zeus na diyos ng langit at ang simbolo ay korona at peacock.
Sino si Poseidon?
Diyos ng karagatan na nagpapanipula ng alon, bagyo at lindol na may simbolong piruya/trident.
Sino si Ares?
Anak nina Zeus at Hera na diyos ng digmaan na may simbolong buwitre, kalasag at sibat.
Sino si Aphrodite?
Asawa ni Hephaestus na Diyosa ng kagandahan at pag-ibig na may simbolong kalapati, rosas, salamin at kabibe.
Sino si Heros?
Anak ni Aphrodite na diyos ng pag-ibig na may simbolong pana at palaso.
Sino si Epimetheus?
Titan na bunsong kapatid ni Prometheus. Siya ang lumikha sa mga hayop na naging asawa ni Pandora.
Sino si Prometheus?
Panganay na kapatid ni Epimetheus na lumikha sa mga tao. Ginamit niya ang apoy para sa proteksyon ng tao na hindi dapat. May kakayahan rin na makita ang hinaharap.
Bakit sumanib ang kapatid na Titan sa mga Olimpian?
Dahil nalaman ni Prometheus na tatalunin ng mga Olimpian ang mga Titan.
Bakit hindi pumayag si Zeus nang humiling si Prometheus na ibigay ang mga apoy sa tao?
Dahil ang apoy ay para lang sa mga diyos at diyosa.