Ang Heograpiya bilang Isang Larangan Flashcards
ay ang pag-aaral sa kalupaan, togograpiya, kalikasan, likas na yaman, klima, at panahon, direksyon, at mapa. Ito ay dalawang salitang Griyego geo (“earth” o “lupa”) at graphia (“pagsulat o “pagtala”).
heograpiya
Ama ng Heograpiya; Siya ang unang gumamit ng salitang heograpiya.
Eratosthenes
nangunang mananaliksik ng heograpiya. Kilala sa kanyang aklat na Geographia, dito niya ipinaliwanag ang hamon ng pagguhit sa isang bilog sa patag na papel (projection). Nakapag ambag siya sa pagbuo at pagguhit ng mga mapa. Nagmula sakanya ang latitude at longhitud.
Ptolemy
pagguhit inaayon lamang sa pantay na linya ng longhitud sa hilaga
Conical
pagguhit naman ay kinukurba ang parehong latitud at longhitud
Cloak
pagguhit ay karaniwang ginagamit sa mga mapa sa kasalukuyan
Oval
Pinag aaralan dito ang takbo ng elemento ng daigdig tulad ng klima at panahon, pagbabago sa mga lupa at katubigan, at epekto dulot ng bagyo at lindol.
pisikal na heograpiya
impluwensiya ng heograpiya sa sangkatauhan at ang epekto ng pamumuhay ng tao sa lagay ng kalikasan at kaniyang kapaligiran
Heograpiyang Pantao
eksaktong kinalalagyan ng isang lugar. Upang matukoy ang lokasyon. Maaring gumamit ng instrumento tulad ng eskala, mapa, at globo
Lokasyon
tumutukoy sa anyong likas o gawa ng tao. (Halimbawa: Anyong lupa, anyong tubig, likas na yaman at klima at panahon)
Aspektong pisikal
tumutukoy sa impormasyon ukol sa naninirahan sa bansa o bayan. (Halimbawa: kultura, wika, at relihiyon)
Aspektong pantao
ang lugar ay maaring pangkatin sa mga rehiyon batay sa tiyak na katangian tulad ng klima, kultura, o likas na yaman
Rehiyon
paano nakaapekto ang tao at kapaligiran sa isa’t isa. Tinutukoy nito kung paano ginagamit ng tao ang kapaligiran para sa kaniyang kabuhayan, pamumuhay, at pag asenso.
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
dahil sa pagbabago sa kapaligiran na hindi kontrolado ng tao, kinakailangan nilang lumipat at maghanap ng bagong tirahan. Sa temang ito sinusuri ang mga dahilan ng migrasyon. Layunin ng migrasyon ay kaligtasan mula sa natural na kalamidad
Paggalaw ng Tao