Anekdota Flashcards
Ano ang anekdota? Kanino sinusulat ang mga anekdota?
Kwentong may punto. Mga sikat o kilalang tao.
Sa Anekdota sa buhay ni Nelson Mandela, sino-sino ang mga nagbigay ng kanilang pananaw sa kanya?
John Carlin, Jessie Duarte, John Simpson, Matt Damon, at Rick Stengel.
Sino ang dalawang nag-aral ng bagong wika at nagbigay ng apat na komponent ng kasanayang komunikatibo?
Micheal Canale at Merril Swain.
Ano ang apat na kasanayang komunikatibo?
Gramatikal, Sosyo-lingguwistik, Diskorsal, at Strategic.
Komponent na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Sosyo-lingguwistik
Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon?
Sosyo-lingguwistik
Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang inilalahad na paggalang. pakikipagkaibigan, paninindigan, at iba pa?
Sosyo-lingguwistik
Paanoo makikilala ang kaugalian at kulturang taglay ng isang tao sa pamamagitan ng mga salitang kanyang ginagamit?
Sosyo-lingguwistik
Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning panggramatika.
Gramatikal
Anong Salita ang angkop gamitin?
Gramatikal
Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?
Gramatikal
komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan
Diskorsal
Makabuo ng isang malawak at malalum na kahulugan.
Diskorsal
Sa paanong paraan mapagsasama-sama o mapag-uugnay- ugnay ang mga salita, parirala, at pangungusap upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at iba pa?
Diskorsal
komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon
Strategic