Alokasyon at Iba't ibang sistemang pang-ekonomiya Flashcards
Paglalaan at pamamahagi o distribusyon ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang mga ‘di-limitadong pangangailangan at kagustuhan ng isang ekonomiya.
Alokasyon
Nagkakaroon nito kung nakukuha ng isang ekonomiya ang lubos na kapakinabangan mula sa pagpapasiya nito gamit ang limitadong pinagkukunang yaman nito.
Utility maximization
Kung saan makalilikha ng mga produkto o serbisyo sa pinakamabisang pamamaraan at lahat ng mga bumubuo sa ekonomiya ay makikinabang dito.
Economic efficiency
Tumutukoy sa organisado at sistematikong pamamaraan ng isang bansa upang maging wasto ang pamamahala at pamamahagi sa mga limitadong pinagkukunang yaman.
Sistemang pang-ekonomiya
Apat na uri ng sistemang pang-ekonomiya
- Tradisyonal na ekonomiya
- Sentralisadong ekonomiya
- Ekonomiya ng malayang lipunan
- Magkahalong ekonomiya
Ang pinakapayak at pinakalumang sistemang pang-ekonomiya na ginagamit ng maliliit na pamayanan.
Tradisyonal na ekonomiya
Anong klaseng bansa ang mga gumagamit ng tradisyonal na ekonomiya?
Developing countries
Ang uri ng ekonomiya na ito ay pinangangasiwaan ng isang sentralisadong kapangyarihan o ng pamahalaan ang lahat ng gawaing pang-ekonomiya.
Sentralisadong ekonomiya
Ang sentralisadong ekonomiya ay maaari rin tawaging?
planadong ekonomiya
Uri ng sistema ng ekonomiya na walang anumang panghihimasok na ginagawa ang pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiya ng lipunan.
Market economy
Ang market economy ay isang teoretikal na konsepto na ibig sabihin?
Walang ganitong uri ng sistema ng ekonomiya sa mundo.