All Q2 Flashcards
Abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap
Kakayahang komunikatibo
di malay o likas na
kakayahan ng isang tagapagsalita na
malalimang gamitin at unawain ang
isang wika.
kakayahang lingguwistiko
Linguistic Performance o ang aplikasyon ng sistema ng
kaalaman sa pagsusulat o
pagsasalita.
lingguwistikong pagtatanghal
- tumutukoy sa yunit ng
makabuluhang tunog ng salita
ponema
Ito ay salitang nagta-
tapos sa w at y na may
kasamang isang patinig.
diptonggo
Ito ay tinatawag ding
kambal katinig.
klaster
Ito ay mga salitang
halos magkatunog
subalit magkaiba ng
kahulugan.
pares minimal
Ito ay ang pag-aaral kung paano
ginagamit ang mga salita, mga
palatandaan, simbolo, o kilos sa
iba’t ibang konteksto.
Pragmatiks
ang pakikipag-usap ay hindi lamang
paggamit ng mga salita upang
maglarawan ng isang karanasan kundi
“paggawa ng mga bagay gamit ang
mga salita” o speech act.
Speech act
ang anyong lingguwistiko
nito
locutionary
ang sadya o intensiyonal
na papel nito
illocutionary
ang epekto nito sa
tagapakinig
perlocutionary
Ito ay ang uri ng komunikasyong
gumagamit ng salita sa anyong
pasalita at/o pasulat man.
berbal na komunikasyon
Ito ay ang uri ng komunikasyong
HINDI gumagamit ng wika.
➢ Kilos at galaw ng katawan ang
ginagamit sa pakikipag-
talastasan.
di berbal na komunikasyon
➢Ito ay isang mensaheng sinadyang
magmintis at ipalingawngaw
lamang sa paligid.
pahaging
➢Ito ay isang mensaheng sadyang
lihis sa layuning matamaan nang
bahagya ang kinauukulan nito.
Padaplis
➢Ito ay malawakang ginagamit upang
maiparating ang puna at paratang
HINDI sa kaharap na kausap kundi sa
sinomang nakikinig sa paligid.
parinig
➢Ito ay mga berbal at di-berbal na
pagpaparating ng puna, paratang, at
iba pang mensaheng nakasasakit sa
mga nakakarinig na kunwari ay labas sa
usapan.
pasaring
➢Ito ay isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o
maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga
ekspresyong nararamdaman gaya ng
pagdadabog, pagbabagsak ng mga
kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto,
kaluskos, at iba pa.
paramdam
➢Ito ay isang mensaheng may layuning humingi
ng atensiyon na kadalasang naipapahayag sa
pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalido sa
sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang
pangungulit,at iba pang kalabisang kumukuha
ng pansin.
papansin
➢Ito ay isang mekanismo ng pahiwatig na
kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa
na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit
na binabanggit tuwing may pagkakataon at
kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa
pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran”.
paandaran