AKADEMIKONG PAGSULAT Flashcards

1
Q
  • tinatawag rin itong intelektwal na pagsulat.
  • Ito ay uri ng pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag- aaral.
A

AKADEMIKONG PAGSULAT

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng akademikong sulatin

A
  1. WIKA
  2. PAKSA
  3. LAYUNIN
  4. PAMAMARAAN
  5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP
  6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT
  7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

ito ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,kaalaman,damdamin, karanasan,impormasyon,at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak,at payak na paraan

A

WIKA

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

ito ang nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman,makabuluhan,at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

A

PAKSA

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

ito ang nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

A

LAYUNIN

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

may limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.

A

PAMAMARAAN NG PAGSULAT

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

A

PAMARAANG IMPORMATIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala,ideya,obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang karanasan o pag-aaral.

A

PAMARAANG EKSPRESIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

A

PAMARAANG NARATIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian,anyo,hugis,ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig,natunghayan, naranasan,at nasaksihan.

A

PAMARAANG DESKRIPTIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

A

PAMARAANG ARGUMENTATIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

sa pagsulat,dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga,o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

A

KASANAYANG PAMPAG-IISIP

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika,partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay,paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata,at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

A

KAALAMAN NG WASTONG PAMAMARAAN SA PAGSULAT

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado,obhetibo,at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

A

KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

MGA KATANGIANG DAPAT TAG LAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

A
  1. OBHETIBO
  2. PORMAL
  3. MALIWANAG AT ORGANISADO
  4. MAY PANININDIGAN
  5. MAY PANANAGUTAN
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat.

Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginagawang pag-aaral o pananaliksik.

Iwasan ang pagiging suhetibo o pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.

A

OBHETIBO

17
Q

Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.

Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat maging pormal din.

Gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa

A

PORMAL

18
Q

Ang mga talata ay kinakailangang kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo nito.

Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng

kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang

hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.

A

MALIWANAG AT ORGANISADO

19
Q

Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan,ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa.

A

MAY PANININDIGAN

20
Q

Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

• Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin,ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa.

A

MAY PANANAGUTAN