A Flashcards
Pagkonsumong
nakapagbibigay ng agarang
kasiyahan o pakinabang ang
halimbawa nito ay ang pagbili
ng pagkain o inumin
Direkta
pagbili at paggamit ng
produkto o serbisyo na
maaaring gamitin upang
makalikha pa ng panibagong
pakinabang o kasiyahan.
Produktibo
pagbili ng mga produkto na
hindi nakabubuti sa kalusugan o
kaligtasan ng sarili o ng iba.
Mapanganib
pagbili ng mga produkto o kalakal
na hindi naman nakapagbibigay ng
pakinabang o kasiyahan. Ito ang
mga bagay na binibili nang sobrasobra at pagkatapos ay natatapon
lamang.
Maaksaya
Ang ____ ng tao ay mahalagang salik
sa kaniyang pagkonsumo. Ang ____ ay
tumutukoy sa salaping nakuha mula
sa pagbibigay-serbisyo, paggawa ng
produkto, o pamumuhunan. Ang ____
ng tao ay malaking salik sa kaniyang
pagkonsumo.
Kita
may pagkakataon
na nagiging motibasyon ang _____
ng produkto o serbisyo sa
pagkonsumo ng isang tao.
Presyo
Ang mga _______o expectation
ng mga mamimili ay nakaaapekto
sa pagkonsumo
Inaasahan
Ang _______ng tao ay nakaaapekto
rin sa kaniyang pagkonsumo. Kung ang tao
ay may _______na malaking halaga,
maaaring hindi na niya kayang maglaan ng
salapi para sa mga kagustuhan o luho.
Pagkakautang
Ang ______ay nakaaapekto sa
pagkonsumo ng tao dahil
nakadepende rito ang mga patok na
produktong akma sa kasalukuyang
karanasan ng mga konsyumer.
Panahon
Tuwing may __), lumalaki ang
pagkonsumo ng tao at natutukoy nila
ang mga nais tangkiliking produkto.
Okasyon
Ang _____ o advertisement
ay ang pagpapakilala sa tao ng iba’t
ibang produkto, maging ang mga
gamit nito. May iba’t ibang paraan ng
pag-aanunsiyo, tulad na lamang ng
asosasyon, bandwagon effect, at
demonstration effect.
Pag-aanunsiyo
Ang _____ ay tumutukoy sa
paraan ng pag-aanunsiyo na
gumagamit ng mga sikat sa
personalidad upang tangkilikin ang
produkto.
Asosasyon
Ang ______________________
ay kadalasang nakikita sa
palengke, mga mall, o iba
pang matataong lugar kung
saan ipinakikita kung
paano ginagamit ang
produkto.
Demonstration effect
Ang _____ effect ay tumutukoy
sa paraan ng pag-aanunsiyong
hinihikayat ang mamimili na tumulad
sa maraming gumagamit ng produkto
Bandwagon
Ang ___________________________ ang isa sa mga
pinakamahalagang salik sa pagkonsumo ng tao.
Sa pagpapahalaga ng tao matutukoy kung ano
ang mga nais gamiting produkto ng konsyumer.
Ito ay epekto ng kaniyang pag-uugali,
personalidad, paraan ng pag-iisip, paniniwala,
prinsipyo, at prayoridad.
Pagpapahalaga ng Tao