(4th Quarter) Reviewer Flashcards
Ako’y hamak na nilalang kaisipan ko ay kulang, ang hilig ko’y patnubayan sa lagay ko na marawal
2.
Lubha akong nangangamba pumalaot na mag-isa, paglalakbay di makaya ako’y abutin ng sigwa
3.
Kaya, Inang minamahal patnubay Mo’y kailangan sa ‘king kakathaing buhay ako sana ay gabayan
4
Sa tanang babasa nito, korido ay dinggin ninyo, ito ang kahilangan ko sana ay pagbigyan ako
5.
Sa isa ngang kaharian, na Berbanya ang pangalan, maybisang Haring marangal Haring Fernando ang ngalan
6.
Sa kanyang pangangasiwa, buhay doo’y nanagana, mayaman at maging dukha ay pantay sa wastong pala
7.
Ang balaking kautasan ay nililiming mainam, bago bigyang katuparan, napagwari na ngang tunay
8.
Ang kamiliang idulog pinag-aaralang lubos, nililinig na maayos ang katwiran ang itulot
9.
Haring Fernando ay mahal, ng kanyang nasasakupan, tunay na iginagalang sa sakop na kaharian
10.
Mahal na kabiyak niya ay si Donya Valeriana, walang katulad sa ganda, sa buti ay uliran pa
11.
Binata na’t magigilas tatlong supling ng pagliyag mga butihin silang anak, sa kaharian ay laka
12.
Ang panganay ay si Don Pedro, pangalawa’y si Don Diego, si Don Juan ang pangatlo sa ama’y mahal na totoo
13.
Itong bunsong si Don Juan, siyang pinakamamahal ng ama at ng inang hirang, sa mata’y ayaw mawalay
14.
Ang mga supling na mahal, maagang pinaturuan ng dunong na kailangan, upang sila ay dumangal
15.
Naniniwala ang ama na di ngayo’t Hari siya, mangmang man ang mga bunga, sa paglibak at ligtas na
16.
Batid niyang itong tao marangal ma’t maginoo, kung hungkag ang kanyang ulo, dekorasyon sa palasyo
17.
Gaano ang kagalakan ng Hari ay nakamtan, mga bunsong minamahal matatalinong tinanghal
18.
Tinawag ang tatlong anak at ang Hari’y nagpahayag, kayo’y lubhang mapapalad, matatalino at pantas
19.
Yamang napapanahon na kayong tatlo’y tumalima, mamili at magkaisa, pagpapari o korona
20.