4Q M1-M7 PRACTICE TEST Flashcards
subukin at tayahin (hindi sure mga sagot dito)
Ang pakikiapid ay ang pagkakaroon ng ibang karelasyon higit pa sa asawa para sa mga Kristiyano
Tama o Mali
Tama
Ang isyu sa sekswalidad ay hindi na mababago dahil ito ay normal na at nangyayari sa pang-araw-araw
Tama o Mali
Mali
Ang pag-ibig ay dapat binibigyan ng tamang panahon upang masabi na totoo ang nararamdaman natin sa isang tao
Tama o Mali
Tama
Ang pagyakap sa kalinisang puso “chastity “ay isang paraan para maiwasan na tratuhin ang isang tao sa kasangkapang sekswal
Tama o Mali
Tama
Ang sekswalidad ay tumutukoy lamang sa gawain na pakikipagtalik.
Mali
Ang mga isyung sekswal ay dapat ituring na normal
Tama o Mali
Mali
Ang pansariling pagsusuri sa mga isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ay makatutulong sa pagkakaroon at pananatili ng respeto sa ating dignidad
Tama o Mali
Tama
Ang bawat bagay ay may tamang panahon lalo na ang pakikipagrelasyon, kaya dapat ito ay huwag madaliin
Tama
Ang pag-ibig ay ang pagiging malaya at masaya sa lahat ng pagkakataon
ewan ko (mali ata)
Ang marital act ay sagrado at dapat palaging isaalang alang ang kabanalan nito na nararapat lamang gawin sa loob ng matrimonya
Tama
Parte ng paglaki ng mga kabataan ang subukan ang kanilang kakayahan patungkol sa sekswalidad
Mali
Ang pakikipagtalik ay isa sa mga pangunahing pangangailangan bilang tao
Tama o Mali
Mali
Ang sekswalidad ay hindi lamang tumutukoy sa ating kasarian kundi ng ating
buong pagkatao
Tama o Mali
Tama
Ang mga napapabilang sa LGBT ay dapat irespeto ang kanilang mga karapatang pantao
Tama o Mali
Tama
Malaki ang maitutulong ng maayos na sex education upang maging tama ang pananaw at oryentasyon ng isang kabataan
Tama o Mali
Tama
Ito ay isinasagawa ng isang nakatatanda sa nakababata upang gawin ang isang gawaing sekswal sa pamamagitan ng pagpupuwersa sa mga ito
Pangmomolestiya
Ang prostitusyon ay isang gawain ng pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera. Bakit nga ba may mga taong pumapasok sa gawaing kagaya nito?
A. Kahirapan ang karaniwang dahilan kung bakit ang isang tao ay pumapasok sa ganitong gawain.
B. Itinuturing itong hanapbuhay na ang katawan ang puhunan, kapalit ang dignidad.
C. Sinasamantala ng mga taong bumibili ang kahinaan ng babae o lalaking sangkot dito.
D. Lahat ng nabanggit.
D
Kailan masasabing ang paggamit sa sekswalidad ng tao ay masama
Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa sekswalidad?
A. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magkaroon ng pamilya.
B. Si Joannah ay araw-araw na hinahawakan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Jane at ng kaniyang kasintahan na si Jess.
D.Maganda ang hubog ng katawan ni Annie kaya nagpasiya siyang magpaguhit ng kaniyang larawan nang nakahubad.
A
Nag-iisa sa bahay si Annalyn nang dumating ang kaniyang kasintahang si Joseph. Pinatuloy niya ito at sila ay nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Joseph at sinimulan nitong halikan si Annalyn. Sabi pa ni Joseph, “tayo lang naman ang nandito.” Kung ikaw si Annalyn, ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit kay Joseph at ito ay paaalisin sa kanilang bahay.
B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Joseph.
C. Kakausapin si Joseph nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.
D.Kakausapin si Joseph at sasabihing panagutan kung anoman ang
mangyayari sa kanila.
C