3rd Quarter Lessons Flashcards
______ ay ginagamit kapag ang paksa o simuno ng pangungusap ay nagpapakilala ng sanhi o dahilan ng kilos.
Pokus sa Sanhi
Ang Pokus sa Sanhi ay gumagamit ng ano-anong panlapi?
i-, ika-, ikina-, ikapang-
Ang Pokus sa Sanhi ay sumasagot sa tanong na?
Bakit?
Ang ______ ay tumutukoy sa lunan, lugar, bagay, o taong ginanapan ng pandiwa na siyang paksa o simuno ng pangungusap.
Pokus sa Ganapan
Ang Pokus sa Ganapan ay gumagamit ng ano-anong panlapi?
-an, -han
Ang Pokus sa Ganapan ay sumasagot sa tanong na?
Saan?
Mga tulang nagsasalaysay ng kwento at ang buong banghay ay nasusulat sa mga taludtod at saknong.
Tulang Pasalaysay
Ang Tulang Pasalaysay ay kadalasang _______ at ang mga pangyayari ay _______ at ________
mahahaba, komplikado, kagila-gilalas
Ano ang tatlong uri ng Tulang Pasalaysay?
Epiko, Awit, Korido (KEA)
Ito ay mga tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na may kagila-gilalas o supernatural na katangian.
Epiko
Ito ay tulang nagsasalaysay ng kabayanihan, pag-iibigan at pakikipagsapalaran ng mga maharlika at matataas na tao sa lipunang may pamahalaang Monarkiya na walang bahid ng kababalaghan o kapangyarihang supernatural.
Awit
Ang awit ay binubuo ng ilang sukat ng pantig?
lalabindalawahing sukat
Ito naman ay tulang nagsasalaysay ng kabayanihan, pag-iibigan at pakikipagsapalaran ng mga maharlika at matataas na tao sa lipunang may pamahalaang Monarkiya na may kagila-gilalas, kamangha-mangha at di-kapanipaniwalang mga pangyayari.
Korido
Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng?
Awit
Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng?
Korido
Ang _______ ay isang pribadong pagpapahayag ng damdamin ng isang indibidwal na tagapagsalita.
Tulang Liriko (Tula ng Damdamin)
Ano ang pitong uri ng Tulang Liriko?
Oda, Elehiya, Soneto, Dalit, Pastoral, Awiting-Bayan, at Mga Awitin (DOMAPES)
Ito ay mga tulang karaniwang pumupuri sa katangian at ng isang tao o pangkat sa nga tao, na may himig-kasiyahan nakakahon sa bilang ng sukat sa bawat taludtod.
Oda
Ito rin ay tula ng pagpaparangal sa isang namayapa na.
Elehiya
Ito naman ay isang saknong na tulang binubuo ng 14 Taludtod, na tumatalakay ng ibat ibang paksang nagpapahayag ng kaisipan o damdamin.
Soneto
Isa sa mga estrukture ng soneto na sumusunod sa tugmaang abbaabbacdecde
Petrarchan
Isa sa mga estrukturang sinusunod ng soneto na may tugmaang ababcdcdefgg
Shakesperean
Ito ay mga tulang pumupuri o nagpapasalamat sa Diyos, kay Hesukristo o sa Birheng Maria.
Dalit