2nd Quiz Flashcards
Characters
Isang batang Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung anu-anong bagay na maibigan. Wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
Padre Camorra
Ang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra.
Padre Irene
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabaseng Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, masunurin, matiisin, madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
Huli
Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangahan ng karamihang lalaki; pamangkin ni Donta Victorina
Paulita Gomez
Isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi dahil minamaliit, tinutulugsa, at itinatakwil ang kapwa niya Indio.
Donya Victorina
Siya ay mahusay sa pakikipagtalo at matapang makipaglaban ng prinsipyo kaninuman
Isagani
Nawalan siya ng pag -asa nang pumasok sa kumbento ang pinakamamahal na anak. Nalulong sa bisyo at nawala sa katinuan.
Kapitan Tiago
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito.
Placido Penitente
Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
Basilio
Siya ang napakayamang mag-aalahas na kaibigang matalik ng Kapitan Heneral.
Don Simoun
Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Larawan siya ng pinunong pabigla- bigla at makapritsong humatol.
Kapitan Heneral
Ang kumalinga sa batang Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guardia sibil
Tata Selo
Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang - loob na sumunod sa kagustuhan ng amang magsundalo
Tano
Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino
Ginoong Pasta
Ang kutserong dalawang ulit na nahula ng guardia sibil bago mag noche Buena dahil sa wala siyang dalang sedula at wala rin ilaw ang kanyang kalesa
Sinong
Isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata
Tiyo Kiko
Mahusay sa Mahika. Napaniwala niya ang mga manonood at nakapag-usig sa budhi ni Padre asalvia sa kanyang palabas
Mr. Leeds
Isang mayamang mangangalakal na Intsik. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan
Quiroga
Isang masimbahing manang. Naging panginoon ni Huli
Hermana Penchang
Tunay niyang pangalan: Telesforo Juan De Dios; masipag na magsasaka na dating kasama sa may mayayamang lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kanyang kinitang pera.
Kabesang Tales