2nd Quarter Flashcards
Ito ay koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto o magpahayag ng damdamin.
Larawang Sanaysay
Hindi limitado ang paksa ng photo essay.
Larawang Sanaysay
Gumagamit din ito ng mga teknik sa pagsasalaysay katulad ng mga iba pang uri ng sanaysay.
Larawang Sanaysay
May mga larawang sanaysay na binubuo ng:
- Larawan lamang
- Larawang may maiikling teksto
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
Larawang Sanaysay
Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
Larawang Sanaysay
Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
Larawang Sanaysay
Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling makapukaw sa damdamin ng mambabasa.
Larawang Sanaysay
Kung nahihirapan sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
Larawang Sanaysay
Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
Larawang Sanaysay
Palaging tandaan na ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay , isang ideya, at isang panig ng isyu.
Larawang Sanaysay
Siguraduhin ang kaisahan ng larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kumpara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Larawang Sanaysay
Isinusulat bilang meditasyon sa buhay
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Pagmumuni-muni at paglalahad ng katotohanan
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Isip at damdamin
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa.
Repleksyon
“Sa pagmumuni, nasasala ang mahahalagang natutuhan o aral at inaalisa ang pagkukulang o kamalian ng nagsusulat tungo sa pagpapaunlad ng sarili.”
Repleksyon
Kinapapalooban ng naramdaman ng isang taong sumusulat batay sa epekto na nalikha sa kanya ng isang paksa.
Katangian ng Replektibong Sanaysay
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal
Katangian ng Replektibong Sanaysay
Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng academic portfolio
Katangian ng Replektibong Sanaysay
Kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Katangian ng Replektibong Sanaysay
Ibinabahagi ng manunulat sa mga mambabasa ang _______________ batay sa mga natutuhan o nakuha niya mula sa nabasa o napanood niyang gawa nito.
kalakasan at kahinaan ng awtor