2024-02 Flashcards
Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa’t isa.
I CORINTO 12:25 (ADB)
At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo’y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;
I TESALONICA 4:11 (ADB)
Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
FILIPOS 2:3 (ADB)
Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:
EFESO 6:7 (ADB)
Sapagka’t ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.
SANTIAGO 1:20 (ADB)
Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka’t ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:
Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:
I PEDRO 4:8-9 (ADB)