1st Semester Flashcards
How many islands are there in the philippines?
7,641
Ilan ang mga linggwahe ng pilipinas?
187
Sino ang nagsabi ng “wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa, kaisipan, at damdamin natin.”?
(Lachica, 1998)
Sino ang nagsabi ng “Wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya mga pasulat na letra.”?
(Emmert at Donaghy, 1981)
Ano ang SINUSONG WIKA natin?
Mother-Tounge
Ano ang ibig sabihin ng MTB-MLE?
Mother Tounge based- multilingual Education
Ilan ang narecognang MTB ng Dep Ed?
19
Ilan ang mga mediums natin? At ano ang mga ito?
- English, Filipino, Sinugbuanong Binisaya
Sino ang nagsabi na “Wika ang sistematikong balangkas ng mga salitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”?
(Henry Gleason, 1988)
Ito ay teoryang panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Teoryang Bow Wow
Ito ay teoryang nagpapahayag ng masidhing damdamin.
Teoryang Pooh-Pooh
Ito ay teoryang nagpapahayag ng pwersang pisikal..
Teoryang Yoheho
Ito ay teoryang na nagsasabi na nagmula ang wika sa mga tunog na nalilikha ng ating mga ninuno sa mga ritwal.
Teoryang Tarara-Boom-De-Ay
Ito ay teoryang na nagsasabi na nagmula ang wika sa mga tunog na nalilikha ng ating mga ninuno sa mga ritwal.
Teoryang Tarara-Boom-De-Ay
Teoryang nagppaahiwatig ng kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginagaya ng dila.
Teoryang Tata
Teoryang na nagpapahiwatig na ang wika ay galing sa bagay na likha ng tao.
Teoryang Dingdong
Teoryang na nagpapahiwatig na ang wika ay galing sa bagay na likha ng tao.
Teoryang Dingdong
(Teorya) Pwersang may kinalaman sa romansa.
Teoryang Lala
(Teorya) Pinakamadaling pantig ng pinakamahalagang bagay.
Teoryang Mama
(Teorya)Mahaba at musikal.
Teoryang Singsong
Nagpapakilala ng nagpapakilanlan. (Teorya)
Teoryang Hey You!
Wika ng sanggol. (Teorya)
Teoryang Coo Coo
Tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. (Teorya)
Teoryang Yum Yum
Ito ay pinaniniwalaan ng linggwistang si A. S. Diamond (Sa Berel, 2003).(Teorya)
Teoryang Yoheho
Ito ay ang pinaka maliit na unit ng tunog.
Ponema
Ito ay ang pinakamaliit na unit ng salita.
Morpema
Walang kahulugang bulalas. (Teorya)
Teoryang Bubble Lucky
Inimbento; pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. (Teorya)
Teoryang Eureka
Kaparusahan sa pagkaganid ng tao. (Teorya)
Tore ni Babel
Sa aling bersikulo ang teoryang “tore ni babel”?
(Genesis 11: 1-9)
Sa aling bersikulo ang teoryang “tore ni babel”?
(Genesis 11: 1-9)
Ano ang tawag sa pag-aaral ng mga tunog salita?
Ponolohiya
Ano ang tawag sa pag aaral sa mga salita?
Morpolohiya
Tawag sa nag-aaral ng mga istruktura ng pangungusap.
Sintaks
Ano ang dlaawang uri ng ponema?
Ponemang patinig, ponemang katinig
Ano ang ibang tawag sa “sinasalitang tunog”?. At mag bigay ka ng halimbawa nito.
Aparato. Voicebox, dila, baga, bibig, etc.
Ilang taon sinakop ang pilipinas?
333yrs
Ano ang ibang ‘term’ ng “napagkasunduan”?
Arbitraryo
Bakit ginagamit natin ang ating wika?
Upang hindi ito mamatay o mawala.
Magbigay ka ng halimbawa ng patay na wika.
Latin
Ano ang limang daluyan ng pagkakahulugan?
Tunog, simbolo, kodipikadong pagsulat, galaw, at kilos
Dahil dito lumutang ang konseptong “ponosentrismo”
Tunog
Ito ay nangangahulugang “una ang bigkas bago ang sulat”.
Ponosentrismo
Sino ang nagtatag ng konseptong “ponosentrismo”?
(Ferdinand de Saussaure, 1911)
Ito ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
Simbolo
Ang ibig sabihin nito ay ang una nating sistema ng pagsulat.
Kodipikadong pagsulat
Magbigay ng halimbawa ng kodipikadong pagsulat.
Baybayin
Ilan ang letra ng Baybayin?
17
Ilan ang patinig sa Baybayin?
3
Ilan ang katinig sa Baybayin?
14
Ito ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
Galaw
Tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan, at iba pa.
Kilos
Ano ang 6 na gamit ng wika?
1.) Gamit sa talastasan
2.) Lumilinang ng pagkatuto
3.) Saksi sa panlipunang pagkilos
4.) Lalagyan o Imbakan
5.) Tagapagsiwalat ng damdamin
6.) Ginagamit sa imahinatibong pagsulat
Ano ang tawag sa konseptong “magbabago ang wika pagdating sa mga panahon”?
Dinamiko
Ano sa filipino ang mathematics?
Sipnayan
Ano sa filipino ang charger?
Pantablay
Ibigay ang dalawang(2) kategorya at kaantasan ng wika.
Pormal at di-pormal
Ano ang tatlong antas ng pormal?
Pambansa, pampanitikan, panteknikal
Ito ay ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan, ginagamit itong wikang panturo, ito din ang wikang ginagamit sa buong bansa.
Pambansa
Ito ay karaniwang ginagamit sa akdang pampanitikan, ang mga salitang ito ay masinig at malikhain, ito din ang pinakamataas na antas ng wika.
Pampanitikan
Ito ay mga salitang hiram na walang katumbas na tagalog.
Panteknikal
Ito ay kategorya ng wika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami sa pamayanan, bansa, o isang lugar.
Pormal
Ito ay kategorya ng wika na madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Di-pormal
Ito ay mga salitang dialektal, ginagamit ito sa particular na pook o lalawigan; may pagkakaiba-iba sa tono at kahulugan sa ibang salita.
Panlalawigan
Ito ay katumbas ng slang sa ingles, ito ay nababago sa pag-usad ng panahon, madalas din marinig ang mga salitang ito sa lansangan.
Balbal
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
Kolokyal
Ito ay mga salitang hindi mabuting sabihin(bad words), ito din ang pinakamababa na antas ng wika.
Bulgar
Ano ang tatlong(3) antas ng komunikasyon?
Intrapersonal, interpersonal, organisasyonal
Antas ng komunikasyon na nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipagusap sa sarili.
Intrapersonal
Antas ng komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
Interpersonal
Antas ng komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng maraming tao.
Organisasyonal
Ibigay ang mga karaniwang modelo ng komunikasyon. (in order)
- Tagapagpadala
- Tsanel(/mensahe)
- Tagapagtanggap
- Tugon/ puna
Ano-ano ang mga kasalong wika sa pilipinas?
-sugbuanong-binisaya
-Iloko
-Kapampangan
-pangasinan
-samar-leyte
-manguindanao
-Tausug
-Tagalog
Ano ano ang mga banyagang wika sa pilipinas?
Kastila, ingles, tsino
Ilang katao ang dapat gumagamit ng isang lenggwahe upang ang lenggwaheng iyon ay mapili bilang wikang pambansa?
500k
Anong klaseng edukasyon ang dinala ng mga espanyol sa pilipinas?
Religion
Anong klaseng edukasyon ang dala ng mga amerikano sa pilipinas?
Formal education
Sa panahon ng mga kastila, ilang wika ang natutuhan ng mga pilipino?
2,espanyol at ingles
Pag dating ng mga kastila, ilang paaralan ang itinayo nila sa maynila?
7
Sino ang mga unang guro sa pilipinas?
Mga sundalong amerikano
Mabagal matuto ang mga kabataang pilipino kung wikang ingles lamang ang gagamitin.
Manroe Educational Commission (1925)
Mabagal matuto ang mga kabataang pilipino kung wikang ingles lamang ang gagamitin.
Manroe Educational Commission (1925)
Batas kung saan gagamitin ang mga katutubong wika sa pilipinas bilang medium ng pantuturo.
Panukalang Batas blg. 577(1932)
Unang hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa.
Artikulo 14-seksyon 3, 1935 constitution
Ano ang walong(8) wikang inaral?
Cebuano
Hiligaynon
Waray
Bikol
Ilokano
Pangasinan
Kapangpangan
Tagalog
Batas kung saan lumikha ng isang lupon. Ano ang pangalan ng lupon na nabuo?
Btas komonwelt blg. 184(1936)…… Surian ng Wikang Pambansa
Kailan nabuo ang surian ng wikang pambansa(swp)?
November 13,1936
Kailan hinirang ni pangulong manuel l. Quezon ang kagawad na bubuo ng SWP?
JAN. 12,1937
Sino ang punong commissioner sa swp?
Jaime C. De Veyra
Sino ang ama ng lingguwistikang tagalog?
Cecilio Lopez
Sino ang ama ng balarilang tagalog?
Lope k. Santos
Kailan naging batayan ang wikang tagalog?
Dec. 30,1937
Anong panahon masmaunlad ang panitikan ng tagalog?
Panahon ng hapon
Kailan inilabas ang kautusang tagapagpaganap blg. 263?
Apr. 1,1940
Ito ay batas ng pagpapalimbag ng Tagalog-English dictionary at Balarilang tagalog ni Lole k. Santos.
Kautusang tagapagpaganap blg. 263
Kailan sinimulang ituro ang wikang tagalog sa mga paaralan?
Jun. 19,1940
Kailan ipinalabas ang batas na kautusang pangkagawaran blg. 7?
Aug. 13,1959
Ang batas na ito ay nagsasabi na ang pambansang wika ay tatawaging pilipino. Sino ang naglagda nito?
Kautusang Pangkagawaran blg. 7. Jose P. Romero
Kailan tinawag ang ating wika na “Tagalog”?
1937
Kailan tinawang ang ating wika na “pilipino”?
1959
Kailan itinawag ang ating wika na “filipino”?
1987