173-399 Headings Flashcards
196-204: Pag-ibig sa Anak
Sinimulan ni Florante na isalaysay kay Aladin ang buhay niya mula sa kanyang mga magulang at sa ilang mga pangyayari noong siya ay bata pa.
205-217: Sa Atenas
Lubhang nag-aalala si Duke Briseo sa nkikitang masaya at kainggit-inggit na buhay ni Florante sa Albanya. Alam ng duke ang ibubunga ng malayang kalagayan ng anak.
218-231: Hiram na Bait
Nag-aral sa Atenas si Florante at naging kamag-aral niya ang kababayan niyang su Adolfo, anak ni Konde Sileno. Dinatnan niyang bukambibig sa buong Atenas ang katalinuhan ni Adolfo. Subalit hindi naging magkaibigan ang dalawa. Si Menandro ang kaibigan ni Florante sa paaralan.
232-242: Palasong Liham
Naging bukambibig si Florante ng mga taong-bayan laluna’t natalo niya si Adolfo na dating sikat sa paaralan. Nagsimula rigo ang inggit at galit ni Adolfo sa kanyang kababayan.
Sa isang dula sa paaralan, nagbago ng sinabi si Adolfo. Talagang papatayin niya si Florante kundi sa liksi ng kaibigan ni Florante, si Menandro. Bilang kaparusahan sa binatang taksil, pinauwi siya sa Albanya kinabukasan din.
243-254: Tagubilin ni Antenor
Halos ikamatay ni Florante ang nilalaman ng liham ng kanyang ama na nagbabalitang namatay na si Prinsesa Floresca. Naroong himatayin; naroong magkaulirat muli. Hindi makalunas ang alo ng guro at ng kanyang mga kamag-aral sa tindi ng kanyang kalungkutan.
255-264: Mga Maginoong Gerero
Tinanggap ni Florante ang ikalawang sulat buhat kay Duke Briseo, ang kanyang ama, na nagsasabing umuwi siya sa Albanya. Ibinilin ni Antenor, ang kanyang guro, na mag-ingat siya kay Adolfo at humanda siya sa mga darating na sakit sa buhay.
265-273: Si Haring Linceo at si Florante
Magkaiba nga ang bayan at sekta nina Florante at Aladin ngunit kapwa sila maginoo at kapwa mapagkumbaba.
274-289: Si Prinsesa Laura
Sa unang tingin pa lamang ni Haring Linceo kay Florante, hinangaan na niya ang binata. Noon din ay ipinagkatiwala kay Florante ang pagliligtas sa bayan ng Krotona. Buong pusong kinilala ng mag-ama ang itinakda ng hari laluna’t bayan ng nuno ni Florante ang hari ng Krotona.
290-299: Unang Pagsinta
Magbabalak na sana ang kaginoohan para sa pagliligtas sa Krotona nang biglang dumating si Laura.
Wala siyang kasingganda sa paningin ni Florante. Saglit niyang kinalimutan ang kanyang pinakamamahal na ina. Pati ang pagsasalita ng binata ay nagkalisya-lisya.
300-313: Tagumpay sa Krotona
Naranasan nina Florante at Laura ang unang pag-ibig na maingat nilang naipahayag sa isa’t isa noong araw bago tumungo si Florante sa Krotona.
314-328: Dalawang Tagumpay ni Florante
Ipinagbunyi ng Krotona sina Florante at Menandro nang mabawi nila ang siyudad sa hukbo ng Persya.
Napatay ni Florante si Heneral Osmalik. Ngunit sa kabila ng kasayahan lalo na ng hari, binigkis ng kalungkutan ang magnuno. Nagunita nila ang pagpanaw ni Prinsesa Floresca.
329-346: Makamandag na Liham
Mula sa Krotona, nadatnan nina Florante na kubkob ng mga kawal ng Persya ang Albanya. Nabawi nina Florante ang kaharian. At nailigtas nila si Laura na pupugutan na sana. Hinango rin nila sa bilangguan ang buong kamaharlikaan, mula sa hari hanggang kay Adolfo. Ginawang tanggulan ng siyudad ni Haring Linceo si Florante. Noon din unang narinig ni Florante mula kay Laura ang malambing na “sintang Florante”.
347-360: Si Aladin ng Persya
Sunud-sunod ang tagumpay ni Florante. Sa Etolya ang hulinb biktorya niya. Doon din siya tumanggap ng makamandag na liham na nag-uutos na umuwi siya sa Albanya at iwan kay Menandro ang hukbo.
Gabing madilim nang siya’y dumating sa Albanya subalit bigla siyang kinubkob ng mga soldados at ibinilanggo nang labinwalong (18) araw.
Si Adolfo ang may kagagawan ng lahat. Dalawang araw na nakagapos si Florante sa puno ng higera at nang magising ay kandong siya ni Aladin.
361-373: Ang Pag-ibig ni Flerida
Nagpakilala si Aladin kay Florante at isinalaysay niya pati ang naging kapalaran niya sa pag-ibig. Malungkot siya sa pangyayaring sarili niyang ama ang umagaw kay Flerida. At si Sultan Ali-Adab din ang nagpatapon sa kanya mula sa Persya. Mga anim na taon siyang namuhay sa gubat hanggang sa mailigtas niya sa kamatayan si Florante.
374-390: Ang Pag-ibig ni Laura
Nagpakasakit si Flerida alang-alang kay Aladin. Tinanggap niya ang pag-ibig ni Sultan Ali-Adab huwag lamang patayin si Aladin. Ngunit tumakas ang dalag bago sila makasal ng sultan. Nakarating siya sa gubat at doon nailigtas si Laura sa masamang tangka ni Adolfo.