12 Flashcards

1
Q

_____ ang pinakamabuting paraan upang magkaintindihan ang mga
tao.

A

Komunikasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

maingat na pagsasatitik ng mga tiyak na ideya, saloobin,
katotohanan at iba pa sa papel, na magbibigay linaw sa nais pagbigyan o
pagsabihan ng nilalaman nito

A

liham

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Uri ng Liham

A

Liham Pagbati (Letter of Congratulations)
Liham Paanyaya (Letter of Invitation)
Liham Tagubilin (Letter of Instruction)
Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)
Liham Kahilingan (Letter of Request)
Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)
Liham Pagtanggi (Letter of Negation)
Liham Pag-uulat (Report Letter)
Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)
Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)
Liham Kahilingan ng Mapapasukan/ Aplikasyon (Letter of Application)
Liham Paghirang (Appointment Letter)
Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)
Liham Pagkambas (Canvass Letter)
Liham Pagtatanong (Letter Inquiry)
Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)
Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy
Liham Panawagan (Letter of Appeal)
Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging
tagapanayam at/o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na
okasyon.

A

Liham Paanyaya (Letter of Invitation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung
may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang
magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.

A

Liham Tagubilin (Letter of Instruction)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga inihandog na tulong, kasiya-siyang
paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at
opinyon, at tinanggap na mga bagay

A

Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Liham na inihanda kapag kailangan o humihiling ng isang bagay,
paglilingkod, pagpapatupad at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng
korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,
transaksiyonal man o opisyal.

A

Liham Kahilingan (Letter of Request)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na
makabubuti sa operasyon ng osang tanggapan. Maaaring samahan ng
kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan.

A

Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon
sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang
opisyal at transaksiyunal.

A

Liham Pagtanggi (Letter of Negation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ito ang liham na nagsasaan ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat
isakatuparan sa itinakdang panahon.

A

Liham Pag-uulat (Report Letter)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na
naipadala na, subalit hindi nabibigyan ng tugon.

A

Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o
umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang
kadahilanan.

A

Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay
kailangang magpadala o magharap ng liham kahilingan.

A

Liham Kahilingan ng Mapapasukan/ Aplikasyon (Letter of Application)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin,
pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan o
promosyon (promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan.

A

Liham Paghirang (Appointment Letter)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa
isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay
ng anumang transaksiyon.

A

Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: (a) halaga ng
bagay/aytem na nais bilhin, (b) serbisyo (janitorial services, security
services. Catering services, venue/function halls, at iba pa) ng isang
tanggapan.

A

Liham Pagkambas (Canvass Letter)

17
Q

Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa
mga opisyal na impormasyon.

A

Liham Pagtatanong (Letter Inquiry)

18
Q

Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kakilala, kamag-anak na naulila.
Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain
ang kalungkutan ng mga naulila.

A

Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)

19
Q

Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kailala, kamag-anak na
nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo,
lindol, baha, sunog, aksidente sa sasakyan o ano pa mang sakuna ngunit
buhay pa.

A

Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)

20
Q

Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa
pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasiyahan at
pagsusog/enmiyenda ng patakaran.

A

Liham Panawagan (Letter of Appeal)

21
Q

Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa
tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang
partikular na lugar at petsa na kung kalian ito isinagawa

A

Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)

22
Q

ay naglalaman ng mga impormasyon ng isang indibidwal na
naghahanap ng trabaho

A

Resume

23
Q

Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay,
karangalan o bagay na kasiya-siya.

A

Liham Pagbati (Letter of Congratulations)