1.1 L01 Konseptong Pangwika Flashcards
salitang latin na ang ibig sabihin ay ‘dila’
lingua
tatlong uri ng wika
- wikang pambansa
- wikang panturo
- wikang opisyal
“Wika ay isang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon pantao.”
Hutch (1991)
“Wika ay likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.”
Sapiro (2014:15)
“Masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isnag pangkat ng tao, at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan, at nagkakaisa ang mga tao.”
Hemphill (2014:15)
“Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan o binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”
Henry Gleason
“Wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasaling simbulo.”
Webster (1974)
“Wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao.”
Archibald Hill
“Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan, Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
Mangahis et al (2005)
wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan
wikang pambansa
makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon
wikang panturo
principal na wikang ginagamit sa edukasyon,pamahalaan, politika, komersiyo at industriya
wikang opisyal
ano ang wikang pambansa ng Pilipinas noong 1935
Pilipino
ano ang wikang pambansa ng Pilipinas noong 1987
Filipino
wikang ___ ang magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong wika
pambansa
saligang batas ukol sa wikang pambansa
Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV Sek. 6
“Ang wika ay tunay na ginagamit upang maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan ng isang tao.”
Par, et. al. 2003
“Ang wika ay daan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang bansa at kapwa bansa.”
Noah Webster
“Ang pagsulat ng anyo ng wika ay isa lamang sa sekondaryang representasyon.”
Fries
“Ang wika ay katulad ng mundo na may pagkakalikhang mitolohiya”
Bolton
Ayon sa kanya, ang wika ay prosesong mental
Noah Chomsky, 1957
Ayon sa kanya, ang wika ay nangangahulugang isang buhay at bukas na sistema ng pakikipag-interaksyon
Dell Hymes, 1972
makabuluhang tunog
ponema
pag-aaral ng makabuluhang tunog
ponolohiya
pagsasama ng makabuluhang tunog upang makabuo ng salita
morpema
pinagsama sama ang ponema at morpema
morpolohiya
pormasyon ng pangungusap sa wika
sintaks
lahat ng nabuuong salita ay magagamit upang makipagtalastasan sa mga tao
diskuso
nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino
Ingles
sa mga katangian ng wika na ang wika ang gamit ng tao sa pagpapangalan ng anuman sa mundong kaniyang ginagalawan
Kabuhol ng wika
sa pagpapangalan ng anuman sa mundong kaniyang ginagalawan, halimbawa: ang tawag niya sa kaniyang Diyos, sa kaniyang pamilya, sa kalagayan ng panahon, sa mga sakit at gamot at iba pa.
Kabuhol ng wika
Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang baitang 3
Mother tongue