1-3 Flashcards
bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulan o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan
panitikan
Masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na may sukat at tugma.
patula
nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni o damdamin na may-akda. Karaniwan sa uri nito and oda, dalit, soneto, elehiya at awit.
liriko o tula ng damdamin
Mga tulang kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa rito ang mga kagitingan ng mga bayani sa oakikidigma tulad ng epiko, awit at korido.
pasalaysay
Mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag at sarswela.
tulang pandulaan
Tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo at balagtasan.
tulang pantigan
Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.
tuluyan
mga uri ng tula:
tulang liriko
tulang pasalaysay
tulang pantigan
tylang padula
Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula.
liriko
Ito ay isang tula na may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labindalawang (12) pantig.
awit
Ito ay isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay naman ito sa kaisipan, diwa ng makata.
soneto
Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento ang oda.
oda
Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya.
elehiya
Tumutukoy naman ito sa isang uri ng tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.
dalit
Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari.
tulang pasalaysay
Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento tulad ng mga nobela, na nakasulat nang patula.
epiko
Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung minsan ay hindi sinusunod.
awit o korido
uri ng tulang pasalaysay
epiko, awit o korido
Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.
tulang pantigan
apat na uri ng tulang pantigan
balagtasan, karagatan, dupli, fliptop, tulang padula
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
sukat
Ito ay isang grupo sa loob ng isang tulang maydalawa o maraming linya (taludtod).
saknong
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng ga akdang tuluyan.
tugma
Ang paraan ng pagtutugma ngtunog kung sanang salita ay nagtatapossa patinig.
Tugmaang Ganap (Assonance)
Ang paraan ng tugmaan na kung saan ang mga salita ay nagtatapos sa katinig.
Tugmaang Di-ganap (Consonance)
Kailangang magtaglay ang tula ng mga salitang hindi lang maririkit kundi angkop na angkop (kailangang marunong pumili ang makata ng salitang gagamitin) sa tema ng tula; gayundin, mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mambabasa.
kariktan
Tumutukoy ito sa paggamit ng mga matatalinghagang salita at mga tayutay
talinghaga
pagwawangis, pagtutulad, pagmamalabis at pagsasatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga ng tula.
tayutay
Ang porma ng tula; malayang taludturan o tradisyunal (may sukat at tugma); sa kasalukuyan ay may mga tula ring may sukat pero walang tugma at walang sukat pero may tugma.
anyo
Ang diwa ng tula.
tono