1 Flashcards
Ito ay patulang pagtatalo
na itinatanghal sa publiko.
Balagtasan
Siya ang Hari ng
Balagtasan.
Jose Corazon de Jesus
Siya ang may sabi na mayroong tatlong
basehan upang mabigyan ng patas na
hatol kung sino ang magwawagi sa
dalawang kalahok ng balagtasan.
Galileo Zafra
Siya ay may alyas na
“Huseng Batute“.
Jose Corazon de Jesus
Ito ay tawag sa
balagtasan sa Ilokos.
Bucanegan
Siya ang Ikalawang Hari ng Balagtasan.
Florentino Collantes
Ito ay tawag sa balagtasan
sa Kapampangan.
Crissotan
Siya ang Ama ng Panitikang
Iloko.
Pedro Bucaneg
Siya ang Ama ng Panitikang
Kapampangan.
Juan Crisostomo Soto
Siya ang Ama ng
Balagtasan.
Francisco Balagtas
Ito ay isang uri ng sulating naglalahad ng
impormasyon, nagpapalinawag ng kaisipan,
at naglalahad ng karanasan.
Sanaysay
Ito ay pagsulat na nagpapahayag o
naglalarawan ng mga aral sa buhay o
personal na karanasan.
Personal na sanaysay
Dito ipinapahayag ang ideya ng may-akda, mga
datos at ebidensya sa isang argumento at
mahahalagang impormasyon na kailangan sa
paglilinaw ng paksa.
Katawan
Dito pinupukaw ang atensyon ng
mambabasa at isinasaad ang
pangkalahatang paksa ng kabuuan ng
sanaysay.
Simula
Dito inilalahad ang mahahalagang punto
at nagbibigay ng pagbubuod o
pagwawakas ang may-akda.
Kongklusyon