08 Uri ng Manwal Flashcards
Ito ay kadalasang detalyadong lathalain na nagbibigay ng direksyon sa pagpapatakbo ngisang makina o sa paggamit ng isang produkto.
Manwal
Ito ay isang pangkaraniwang katawagan o generic na terminilohiya. Ginagamit ito sa mga produktong di gaanong kabigat ang pagkateknikal.
Guide
Ano ang sampung (10) na uri ng manwal?
- Manwal ng mga Pamamaraan
- Manwal ng mga Patakaran
- Manwal ng Pamantayan
- Guidebook
- User o User’s Manual
- Manwal ng Batayan
- Training Manual o Manwal ng Pagsasanay
- Manwal ng Operator
- Serbis Manwal
- Field Guide
Isang sulating nagsasabi kung ano ang dapat pagbasehan sa mga produktong bibilhin ng isang kumpanya. Karaniwang ginagamit ng mga inhinyero o mga kumpanyang may kinalaman sa konstruksyon.
Manwal ng Pamantayan
Ito ay isang gabay sa mga alituntunin. Ito ay karaniwang maikli at hindi ganoong detalyado. Nagbibigay lamang ito ng alternatibong suhestiyon at hindi naman inaasahang susundin ng isang konsyumer o mamimili.
Guidebook
Manwal na nagsasaad ng mga dapat gawin ng isang konsyumer ukol sa nabiling instrumento, makina,o hindi kaya naman ay isang gadyet.
User o User’s Manual
Isa sa mga detalyadong manwal na kadalasang ginagamit sa mga software o hardware ng kompyuter o makateknolohiyang mga kagamitan. Halos wala itong pagkakaiba sa user/user’s manual.
Manwal ng Batayan
Kadalasan itong ginagamit ng mga bagong empleyado sa isang organisasyon o isang kumpanya. Ito ay isinulat at dinisenyo upang makapagbigay kaalaman. Karaniwang sinasanay ang mga mambabasa sa pinakamababang antas ng gawain hanggang sa pinakamataas na antas.
Training Manual or Manwal ng Pagsasanay
Ito ay isang detalyadong manwal na naglalarawan ng pagpapagana sa isang makina, instrument, o di naman kaya ay isang gadyet.
Manwal ng Operator
Karaniwan itong ginagamit ng mga teknisyan at inhinyero upang kumpunihin ang mga sirang makina o instrumento o di kaya naman para sa preventive maintenance.
Serbis Manwal
Ito ay isinusulat upang maging gabay sa mga teknisyan na rumuronda at nagbibigay serbisyo sa mga kliyente. Ito ay naglalaman ng mga maiikling suhestyon sa mga produkto na kukumpunihin o mga serbisyong dapat maibigay sa kliyente, mamimili, o konsyumer.
Field Guide
Ano ang mga alituntunin sa pagsusulat ng isang Manwal?
- Ilagay ang sarili bilang isang konsyumer.
- Ang manunulat ng manwal ay dapat lamang na isipin ang pangangailangan ng isang mamimili. - Gumamit ng “active voice” o ang tinig tahasan. - Ang active voice o tinig tahasan ay nagbibigay ng mas malinaw na direksyon.
- Bigyan lagi ng pansin ang mambabasa.
- Ang manwal ay dapat lamang na nakatutok sa mga mambabasa. - Magsulat ng malinaw na direksyon.
- Importanteng maging malinaw ang pagsusulat ng isang manwal. Ito ay magiging malinaw kung ang mga direksyon ay may bilang at pagkakasunod-sunod. - Bumuo ng pamantayan.
- Alalahanin na dapat ay may pamantayan sa laki ng sulat ng mga titik at istilo ng text (kung ito ba ay Arial, New Times Roman, o Calibri).
Isang manwal na nagsasabi ng mga dapat gawin sa isang trabaho. Halimbawa na lamang ang pamamaraan o tamang proseso nang pagbibigay ng mga leaflets o di kaya naman ang proseso sapagsusumite ng isang leave form para sa mga empleyado.
Manwal ng mga Pamamaraan
Ito ay manwal sa mga batas at polisiya sa isang organisasyon. Ito ay isinusulat ng mga miyembro ng ehekutibong namamahala.
Manwal ng mga Patakaran