W1&2 Flashcards
Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
WIKA
Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan” at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.
wika
Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981).
wika
Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa parang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988)
wika
Sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005)
wika
Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino, 1996).
wika
katangian ng wika
•May masistemang balangkas
•Sinasalitang tunog
•Arbitraryo.
•Pinipili at isinasaayos
•Buhay.
dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantika) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
May masistemang balangkas
dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Sinasalitang tunog
Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Arbitraryo.
binubuo ng mga makabuluhang tunog
ponema
makabuluhang tunog na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
morpema
bumabagay sa iba pang mga salita upang makabuo ng mga pangungusap.
semantika
dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Pinipili at isinasaayos
Buhay ang wika ay patuloy na nagbabago, nadaragdagan at nalilinang.
Buhay
Mga Katangian ng SARILING WIKA
• Katagang nanganganak ng salita (word metamorphism)
• Kung ano’ng bigkas, siyang baybay (phonetic simplicity)
• Tunog Kalikasan (onomatopoeia)
• Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin ( neoligistic cohesion)
• Kataga at salitang inuulit
may kapangyarihan ang ating wika na makabuo ng marami pang salita mula sa iisang salitang-ugat lamang. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalakip ng iba’t ibang panlapi at kumbinasyon ng mga salita. Halimbawa, ang salitang-ugat na buhay (hanapbuhay, nabuhay, pagkabuhay, buhay-Maynila, Sumakabilang buhay, walang buhay,atbp.)
Katagang nanganganak ng salita (word metamorphism)
Walang piping tunog sa ating wika. Bawat titik na bumubuo sa salita ay may tiyak at ispesipikong tunog o bigkas. Kung paano binigkas, ganoon din ang pagsulat, at kung paano nasusulat, ganoon din bibigkasin.
Kung ano’ng bigkas, siyang baybay (phonetic simplicity)-
katangian ng ating wika ay ang kakanyahang magaya ang likas na tunog na kaugnay ng mga bagay o kilos na nakapaloob sa salita, ayon sa pag-aaral na ginawa ni Bayani Mendoza de Leon. Halimbawa, “ubo”, “hatsing”, “untog”, “halakhak”, “pagaspas”, “dagundong”, at marami pang iba.
Tunog Kalikasan (onomatopoeia)
pagdurugtong ng unlapi sa mga salitang-ugat
neologism
neologism ang tawag sa pagdurugtong ng unlapi sa mga salitang-ugat, nagkakamit ng isang antas ng kahulugan at nagpapakita ng maugnayin at masistemang istruktura ng wikang Filipino. Halimbawa, ang unlaping ka- na tumutukoy sa uri ng pagkakaugnayan (kakambal, kamag-anak, kasama, kabiyak, kaanak,atbp)
Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin ( neoligistic cohesion)
ang wikang Filipino ay may katangiang pag-uulit ng kataga o salita.
Halimbawa, tingting, araw-araw, isa-isa, bitbit, sama-sama, atbp
Kataga at salitang inuulit
Wikang sama-samang itinaguyod ng mga mamamayan sa isang bansa upang magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanan (Topi Omoniyi, 2010).
Pambansang Wika
pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
Pambansang Wika
Kinkilala at ginagamit ng higit ng nakararami sa pamayanan o ng isang bansa.
Pambansang Wika