PILARANG Flashcards
Ito ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan o kumpanyang pag-uukulan ng iyong project proposal.
PANIMULANG PANUKALANG PROYEKTO
Ito ang gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
PLANO NA DAPAT GAWIN
Kadalasang makikita sa bahaging ito ng panukalang proyekto ang naaaprobahan ng proyekto, malinaw na nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
BENEPISYO NG PROYEKTO
Makikita sa bahaging ito ng pagsulat ng panukalang proyekto ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
BADYET
Ito ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
PANUKALANG PROYEKTO
Nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
LOGICAL
Nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos.
IMMEDIATE
Masusukat kung paano makakatulong ang proyketo.
EVALUABLE
Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan o katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.
POSISYONG PAPEL
Nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
PRACTICAL
Maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay ng karagdagang ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran.
MGA PANSUPORTA SA SARILING KATWIRAN
Nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto.
SPECIFIC
Ayon sa kanya, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa pananaw o posisyon.
GRACE FLEMING
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at pinakakarapat-dapat.
MULING PAGPAPAHAYAG NG PANININDIGAN
Aling bahagi ng replektibong sanaysay ang dapat makapukaw sa atensyon ng mga mambabasa? Makatutulong sa pagsulat nito ang iba’t ibang paraan gaya ng paggamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa.
INTRODUKSYON
Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at iba pang daluyan. Maaari ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming mambabasa.
IBAHAGI ANG POSISYONG PAPEL
Mahalagang katangian ng tao ang pagkakaroon ng paninindigan. Ang taong may paninindigan ay may matatag na disposisyon sa buhay, hindi madaling panghinaan ng loob. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
ALAM KUNG PAANO POPOSISYON KAPAG NAHAHARAP SA MGA ISYU O KAPAG KAILANGAN NG PAGPAPASYA.
Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Malaking tulong din ang makapanayam ang mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan.
GUMAWA NG MAS MALALIM SALIKSIK