Ebalwasyon ng Salin Flashcards
Ang ebalwasyon ng salin ay ang pagsusuri sa _____ ng salin kapag nagawa na ito.
kalidad
Bago ibalik ang salin sa nagpagawa nito o bago ito ilathala, mahalagang magkaroon ng paraan sa __________ o sa pagtiyak kung _____ na ba ng salin ang mga katangiang dapat nitong taglayin.
quality assurance (QA)
taglay
Maraming dapat isaalang-alang bago maturing na de-kalidad ang salin: ang pagiging _____, _____ at _____ nito; ang pagiging angkop nito sa __________; ang pagsunod sa ibinigay na mga __________ ng nagpasalin, atbp.
wasto, malinaw at natural
target audience
pamantayan
pagpapahayag ng kahulugan sa parang madaling mauunawaan ng target na mga mambabása.
CLEAR
pagiging katulad hangga’t maaari ng kahulugan ng simulaang teksto (ST)
ACCURATE
paggamit ng natural na estruktura ng tunguhang lenggwahe sa pardang naaangkop sa uri ng tekstong isinasalin
NATURAL
Dalawang Paraan ng Ebalwasyon ng Salin:
- Pagsubok sa salin
- Kritik ng salin
Ito’y pagsubok sa sariling salin mismong nagsalin. Bago ipabása o ipataya sa iba ang salin, natural lámang na ang tagasalin ang mag-edit ng sarili niyang gawa. Sa ganitong paraan, binabalik-balikan ng tagasalin ang kaniyang ginawang salin, binabago ang dapat baguhin, pinapalitan ang mga salitang itinumbas, kung sa palagay niya ay mas tama, malinaw o natural ang bago niyang naisip.
Pansariling Subok
Dalawang Hakbang sa Pansariling Subok sa Salin:
Pinapanatili ba niya ang talataan ng orihinal?
Titiyak kung malinaw at natural ang daloy ng mga pangungusap.
Dalawang uri ng eksperto ang maaaring konsultahin ng isang tagasalin:
Eksperto sa Paksa
Eksperto sa Wika
Ang __________ o __________ ay isang paraan upang malaman ang kawastuhan ng salin sa pagsusuri ng paralelismo ng forward at back translation
balik-salin o back translation
Karaniwang ginagamit ang Balik-Salin sa mga tekstong __________ at __________, lalo na sa mga _____ o _____ para maisagawa ang isang bagay.
siyentipiko at teknikal
manwal o gabay
Masasabing mahusay ang isang salin kung nauunawaan ito ng target na mambabasa. Upang malaman kung ang isang salin ay nauunawaan ng target nito, maaaring magsagawa ang tagasalin ng _______________ ng target niyang mambabasa o sa pinag-uukulan ng salin.
Pagsubok sa Pag-unawa
Mga Paraan ng Pagsubok sa Pag-unawa
Malakas na pagbása
Pagtatanong tungkol sa nilalaman
Kung kinkosulta ang mga eksperto tungkol sa kawastuhan ng salin, maaari rin namang tanungin ang mga __________ para malaman kung malinaw ang salin. Ang tinutukoy rito ay mga táong pinag-uukulan ng salin na walang alam o kakaunti pa lamang ang alam tungkol sa paksang isinalin. Kapag naintindihan nila ang salin, ibig sabihin ay malinaw ito.
di-eksperto