ANG PAGTUTURO NG PAGSASALITA Flashcards
Isang kasanayan bilang akto ng pag-uusap at palitang kuro ng hindi kukulangin sa dalawang kalahok
PAGSASALITA
Sa pakikipag-usap, nagagawa ng mga tao na gamitin ang wika sa iba’t ibang paraan at kadahilanan
GAMIT NG WIKA
Gumagamit din ang mga tao ng iba’t ibang salita at balangkas ng pangungusap upang masabi sa kausap ang mga kadahilanan sa pagsasalita
ANYO NG WIKA
Ang isang tanong ay inaasahang sasagutin ng kausap at ang hindi pagtugon dito’y tinatanaw na isang hindi kagandahang pag-uugali
KAGYAT NA PAGTUGON
Ang pagsasalita, higit sa naunang kasanayan sa wika, ay sensitibo sa kontekstong pinaggaganapan nito
KAANGKUPAN NG SASABIHIN
Ang pagsasalita ay dapat mag-ugat sa isang paksa. Hindi ito basta nagaganap
ANG PAKSA
Mga layunin sa pagtuturo ng pagsasalita
- Mga Tungkuling Interaksyonal
- Mga Tungkuling Transaksyonal
- Mga Tungkuling Estetiko o Libangan
- Mga Elemento ng Wika na Inilalahad sa PELC/PSSLC
Ito ay ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita. Masining na paraan ng pakikipagtalastasan
PAKIKIPAG-USAP
Isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring totoo o kaya’y kathang isip lamang
PAGKUKUWENTO
Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao o pangkat na may nagtatanong at may sumasagot. Ito ay naglalayong makaalam ng mga bagay-bagay tungkol sa isang tao.
PAKIKIPANAYAM
Mga dapat bigyang-pansin sa pakikipanayam
- Oras
- Mga Tanong
Ito ay pakikipagtalo tungkol sa isang isyung kontrobersyal at napapanahon
DEBATE
Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater:
Napakahalagang may malawak na kaalaman sa isang debater patungkol sa panig na kaniyang ipagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate
NILALAMAN
Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater:
Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kaniyang babanggitin sa debate
ESTILO
Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater:
Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kaniyang proposisyon
ESTRATEHIYA