ANG PAGTUTURO NG PAGBASA Flashcards
Isang prosesong nagaganap sa isang tao sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa mga impormasyong kinakatawan ng anumang simbolo o anumang mensaheng di berbal na naghuhudyat sa mambabasang tumatanggap upang kilalanin ang impormasyon.
PAGBASA
Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, at iba pang simbolo.
Tinawag ito ni Smith (1983) na outside-in o data driven sa dahilang ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.
TEORYANG BOTTOM-UP
Binigyang diin ng teoryang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang nagpapasimula ng pagkilala niya sa teksto at kung wala ito, hindi niya mabibigyang kahulugan ang anumang babasahin.
TEORYANG TOP-DOWN
Impormasyon tungkol sa pagpapakahulugan ng mga salita o pangungusap.
IMPORMASYONG SEMANTIKA O PAGPAPAKAHULUGAN
Impormasyon tungkol sa pagkakaayos at kayarian ng wika.
IMPORMASYONG SINTAKTIK O ISTRUKTURA
Impormasyon tungkol sa ugnayan ng mga ideya (grapheme) at mga tunog (phonemes) ng wika. Kasama rito ang impormasyon tungkol sa pagbaybay na naghuhudyat ng kahulugan.
IMPORMASYONG GRAPO-PHONIC
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyonv awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bidirectional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.
TEORYANG INTERAKTIB
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang ito. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang kaalaman. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang kaalaman sa paksa. Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa tekstonay tama, kulang, o dapat baguhin.
TEORYANG ISKEMA
“Ang pagbabasa ay paycholinguistic game dahil ang isang mambabasa ay binubuong muli ng kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa.”
GOODMAN
LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA
Ito ay tumutukoy sa pang-unawang literal
UNANG DIMENSYON
LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA
Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may akda, lakip ng mga karagdagang kahulugan.
IKALAWANG DIMENSYON
LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA
Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad.
IKATLONG DIMENSYON