Parirala at Sugnay Flashcards
Lipon ng mga salita na walang paksa at panaguri subalit nagagamit na mahalagang bahagi ng isang pangungusap
Parirala
Uri ng parirala
Pariralang pang-ukol
Pariralang Pawatas
Pariralang pandiwa
Pariralang pang abay
Pinangunahan ng mga pang-ukol na sa, ng, para sa, para kay, tungkol sa at iba pa.
Pariralang pang-ukol
Binubuo ng Pawatas ng pandiwa at layon nito
Pariralang Pawatas
Ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi
Pawatas
Binubuo ng pandiwa at ng layon
Pariralang pandiwa
Binubuo ng pang-abay at ang tinuturingan nito
Pariralang pang-abay
Kalipunan din ng mga salita na may paksa at panaguri, maaari ring wala
Sugnay
Tinatawag ding punong sugnay oo malayang sugnay sapagkat nagbibigay ng buong diwa. Ito rin ang payak na pangungusap
Sugnay na makapag-iisa
Tinatawag ding sugnay na pantulong. Ito ay walang buong diwa sa kaniyang sarili kaya dapat pang sumama sa isang punong sugnay upang magkaroon ng buong kaisipan. Ito ay pinangunahan ng mga pangatnig na nang, kung, sapagkat, dahil sa, upang, kapag at pag
Sugnay na di-makapag-iisa
Ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan. Ito ay may paksa na siyang pinaguusapan at may panaguri na siyang nagsasabi hinggil sa paksa
Pangungusap
Ayon sa kaniya ang pangungusap ay maaaring sambitla na may panapos na himig sa dulo. Ang panapos na himig sa dulo ay nagbabadya na naihatid na o naibigay na ng nagsasalita sa kausap ang mensaheng gusto niyang ihatid.
Santiago, Alfonso O.
anumang salita of lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri basta’t may diwa o mensaheng ipinaabot ay maaaring magpakilos sa kapwa dahil nauunawaan ito.
Pangungusap na di-ganap
May bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng mga katagang may o mayroon. Na kahit dalawa of tatlong mga salita ang ginamit may diwang ipinaaabot
Eksistensyal
Ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasang isang ekspresyon ang pahayag
Sambitla