TAYUTAY Flashcards
Ito ay paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita. Sa paggamit nito ay nagkakaroon ng sining at magiging mabisa ang mga pahayag. Ito ay kaakit-akit sa mga tagapakinig
Tayutay
Tinatawag ding patalinghagang pagpapahayag. Sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang magawang higit na maganda at kaakit-akit ang mga sinasabi
Tayutay
Ito’y paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari at iba pa sa hayagang pamamaraan. Makikilala sa mga salitang naghahambing tulad ng parang, kawangis, animo’y, gaya ng, mistula, tulad, tila, wari at iba pa
Simile o Pagtutulad
Paghahambing din ito gaya ng Pagtutulad, nagkakaiba na lamang sa hindi paggamit ng mga salita o pariralang patulad sapagkat direkta nang ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan
Metapora o Pagwawangis
Ito’y tuwirang paghahambing at hindi ginagamitan ng mga salita tulad ng sa simile of Pagtutulad
Metapora o Pagwawangis
Isang anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap, nasa malayo pa kaya’y patay na sa kaisipan at mga bagay na binigyang katauhan na parang kaharap na kinakausap
Apostrope o Pagtawag/ Panawagan
Ito’y katanungang hindi nangangailangan ng kasagutan dahil nasa mga pahayag na rin ang katugunan ng mga pahayag
Tanong Retorikal
Ang mga walang buhay ay pinagtataglay ng katangiang pantao sa pamamagitan ng mga salitang nagsasaad ng kilos of pandiwa
Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan / Pagsasatao
Ito ay nangungutya sa tao o bagay ngunit gumagamit ng magandang pananalita
Pag-uyam of Ironya
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng mga salita na kung pakinggan ay tila kapuri-puring pangungusap. Ang tunay na kahulugan ng pahayag ay nauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng taong nagsasalita
Pag-uyam o Ironya
Ang mga kilos, talino at katangian ng tao ay isinasalin at ipinapagawa sa mga hindi tao sa pamamagitan ng paggamit ng pang-uri
Paglilipat-wika
Pinapalitan ang katawagan sa ibang katawagan na May kaugnayan sa salitang pinapalitan
Pagpapalit-tawag o Metonomiya
Ayon sa kanya, ang panlaping “meto” ay nangangahulugang pagpapalit o paghalili. Dahil dito, ito ay nagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy
Sebastian
Ito’y pagbanggit sa bahagi ng bagay of kaisipan para sa kabuuan o pagbanggit sa kabuuan para sa bahagi lamang
Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
Isang pahayag na eksaherado o labis na katotohanan. Nagpapahayag ito ng higit sa tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari
Pagmamalabis o Hyperbole