Retorika Flashcards
Ayon sa kanya mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsulat at pagsasalita
Sebastian, 1967
Ang Retorika ay galing sa salitang Latin na __________ na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati
Rhetor
Ito ay sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pagsulat
Diksyunaryo
Ito ay pag-aaral upang magkaroon ng kasiningan, at kahusayan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pagsulat at pagsasalita
Retorika
Ito ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita at pagsulat
Retorika
Ayon sa kanya ang Retorika ay sining ng maayos na pagsasalita o pagsulat
Quintillan
Ayon sa kanya ang Retorika ay agham ng paghimok o pagsang-ayon
Socrates
Ayon naman sa kanya ang Retorika ay ang kakayahang maanino, mawari, o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok
Aristotle
Ayon naman sa kanya, ang Retorika ay sining ng argumento ng pagsulat
Richard whatley
Sinumang nagpapahayag gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa
Sining
Gumagamit ng Retorika ang isang pagpapahayag upang ipakita na ang mga argumento niya ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba
Pilosopiya
ang pangunahing behikulong ginagamit sa pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, Kung gayon sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng _________
Wika
Nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa _________. Ang bawat tao ay bahagi ng __________ kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa kanyang mundong ginagalawan
Lipunan
Dapat taglayin ng isang pagpapahayag
Maging matapat
Maging malinaw
Maging tiyak at matipid sa sasabihin
Sikaping magkaroon ng barayti
Langkapan ng patawa, talino, sigla at imahinasyon
Elemento/Sangkap ng Retorika
Ang kaisipang gustong ipahayag
Ang pagbuo o organisasyon
Ang istilo ng pagpapahayag
Kahalagahan ng Retorika
Kahalagahang Panrelihiyon
Kahalagahang Pampanitikan
Kahalagahang pang-ekonomiya
Kahalagahang pampulitika
Layunin ng Retorika
Makapagpahayag ng mahusay pasulat man o pasalita
Magkaroon ng isipang mapanuri
Makabuo ng mga makabuluhang ideya
Makapamahala sa angking kakayahan
Makikita sa pagkakabuklod-buklod o pagkakaisa at pagkakasunduan diwa ng naghahatid ng mensahe sa tumatanggap
Bukluring Sining